Finale

143 8 6
                                    

ANGEL WITH A SHOTGUN

“Fight For Me”

“Do you want me to tell you something really subversive? Love is everything it’s cracked up to be. That’s why people are so cynical about it. It really is worth fighting for, being brave for, risking everything for. And the trouble is, if you don’t risk anything, you risk even more.” – Erica Jong | Fear of Flying

--

“BABY?”

“Yes?”

“Hindi mo ako iiwan, ‘di ba? Kahit anong dumating na pagsubok sa relasyon natin, walang bibitaw, ha?”

“Hindi ko kayang iwan ka, baby. Wala akong lakas at dahilan para gawin iyon.”

“Just don’t leave me. Hindi ko kayang wala ka.”

“We’ll always be together. Tayo ang magkakatuluyan. But promise me one thing.”

“What is it?”

“Matthew Agustin, please fight for me when everything goes wrong.”

“I promise to fight for you, Audrey Chiu. I promise.”

Napawi ang lungkot na naka-pinta sa mukha ni Matthew nang gunitain niya ang mga pangakong binitawan nila ni Audrey. Namuo ang isang ngiti sa kaniyang mga labi ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga tainga— tanda na mas namamayani pa rin sakaniya ang paghihinagpis.

Hindi nagtagal ay nawala rin ang ngiti sa kaniyang mga labi at napalitan ng patuloy na pagdaloy ng mga luha.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay umupo siya, yumuko at sinapo ang kaniyang ulo habang humahagulgol.

Ilang araw ng ganito si Matthew. Ilang araw na rin siyang nakakulong sa kwarto niya. Nag-aaalala na rin sakaniya ang kaniyang mga magulang at kaibigan ngunit wala silang magawa dahil ayaw rin magpaawat ni Matthew.

Hindi siya nakikinig sakanila.

Nagmamatigas siya sa tuwing may sumusubok na kausapin siya.

Kung minsan nama’y hahanap siya ng mga matatalim na bagay upang saktan ang sarili niya. Ngunit imbis na mapangiwi siya sa sakit ay tinatawanan niya pa ang bawat sugat na nadudulot nito sakaniya.

Wala na siyang maramdaman pa. Manhid na siya sa madaling salita.

Lalabas lamang siya sa kaniyang kwarto para bumili ng alak at sigarilyo sa malapit na tindahan. Hindi niya alintana ang mga tingin at salita na binabato sakaniya ng nasa paligid niya.

No one can control him except for someone.

Audrey Chiu, his girlfriend.

Napatingin si Matthew sa picture frame na nakapatong sa bedside table niya. Kinuha niya ang litrato nilang dalawa ni Audrey at marahang hinimas ito gamit ang kaniyang hinlalaki.

Habang tinitignan niya ito ay hindi niya maiwasang tumangis pa lalo dahilan para pumatak ang kaniyang mga luha sa litrato.

“A-akala ko ba h-hindi mo ako iiwan? A-akala ko b-ba… tayong d-dalawa hanggang sa h-huli?” Nauutal niyang sabi, “P-paano mo ako nagawang iwan?”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa litrato nang maramdaman nanaman niya ang kirot sa puso niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa sobrang sakit.

Ang tanging naiisip niya lang ngayon ay umalis na si Audrey sa buhay niya at kung bakit ganoon nalang kadali para sakaniya na iwan ito.

‘Di ba may pangako sila na walang iwanan?

Angel with a Shotgun (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon