Author: Guess what, nawala ulit yung draft ko para sa chapter na ito. Wow, palakpakan!!! Ako na!! Ako na ang pinakatangang writer sa lahat lahat T_T Ajuju. Hindi pala nasave yun e, sinave ko naman yun e! Nagloloko lang talaga yung laptop. Hay nako. Sige, sulat nalang ulit. Anyway, thank you sa mga nag-add sa reading list nila! :D
-------
Writing About You - 4
Chlara's POV
"Daddy, please po pakibilisan niyo lang po." T___T Nakahawak ako nun sa may balikat ng drivers' seat kung saan nagdadrive si Daddy. Si Mommy naman, nasa shotgun seat.
Magde-date sana kasi silang dalawa ngayong gabi kasi feel lang daw nila at bored lang daw sila kaya magde-date sila (hindi ako isasama, ang kj T_T) Pero noong narinig ko na umandar na yung kotse at aalis na sana sila ay napatakbo agad ako at sabi ko na magpapahatid lang ako sa school kasi kelangan ko balikan si Roro at syempre, inexplain ko ang LBM story niya at naintindihan naman nila kaya ihahatid nila ako sa school bago pa sila magde-date.
Kaya eto kami ngayon sa daan at naghihintay na makawala mula sa traffic.
"Oo nga pala, Chara.." Tinawag ako ni Mommy kaya naman napalean over ako sa gitna nila at tinignan ko si Mommy. "May hindi ka yata sinasabi sakin." Tinignan naman niya ako at una, ningitian niya ako- yung usong hehe face sabay pinisil niya ako sa ilong na sobrang higpit na parang hindi na ako makahinga.
"Aray, Ma!" Sabi ko nun sabay hinawakan ko yung ilong ko. Natawa naman nun si Daddy. "Para san naman yun?"
"Para yun sa mga batang pasaway, Chlara" Pagkasabi niya nun, napaupo ako ng maayos sa likuran at nakacross ang arms. Oh nooo. "Tinawagan ako ni Ma'am Daniel kanina at sinabi sakin na hindi ka na nakikinig sa kaniya tuwing trigo.." Psh! Ano ako, kindergarten para tawagan ang mga magulang para ipa-alam yun? -__- "At magsusulat ka lang daw ng kung anu-ano sa notebook mo tunkol sa crush mo." Oh shet.
"Sabi na eh, may crush eh!" Sambit ni Daddy. Dati pa niya ako kinukulit kung sino yung crush ko. Nahuli niya ako dati na ngiting ngiti habang nagsusulat sa notebook ko. Akala nga niya dati na nagsusulat daw ako ng love letter kaya naman kinukulit niya ako pero ayaw kong sabihin. "Uuuy!"
Hindi ko lang pinansin yung kantyaw ni Daddy tapos nilingon ako ni Mommy nun sa likuran then she gave me a motherly smile. "Chlara, I understand na may emotions ka. Pero kelangan mo yun ilagay sa lugar, Anak. Alam kong mahal mo si J--"
"Ma!!!" Napatakip ako nun sa bibig niya at napatingin ako kay Daddy na natatawa. Buti di natapos ni Mommy yun. Ayoko kasi malaman ni Daddy kasi nahihiya ako.
"Chlara, okay lang naman magkacrush eh. Atsaka, alam ko na dalaga ka na. That's normal. You can open it up to us." Sabi ni Daddy. "Naalala ko tuloy yung mga panahon natin, Lei." Tinignan naman ni Daddy si Mommy at nagngitian silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Writing About You
Teen FictionChlara is a stereotyped online writer. She drafts on her notebook a story she's been writing about a boyband's leader, Jaycee, whom she surreptitiously loved since she was in 6th grade. She calls it 'the love story na siya lang ang nakakaalam.' Pero...