Writing About You - 5
Chlara's POV
From: Anna Gibson
Message:
Hi Ate, Missy!! Ang ganda po ng story niyo sa wattpad. Yun pong "Ang Love Story na Ako Lang Ang Nakakaalam" Gusto ko lang po humingi ng permission if okay lang gamitin yun para sa project namin? I will give credits to you po. Thank you po! ^_^
Your number one fan,
Anna.
Nagbabasa ako ngayon ng emails sa author account ko. Nag-update na kasi ako sa wattpad kani-kanina lang. Yung epilogue nung story ang pinost ko. Yung sinulat ko sa notebook noong nahuli ako ni Ma'am Sunday naman at wala akong magawa kaya nandito ako sa paborito kong coffee shop- ang Sweets and sweets at sinubukan kong inaalala yung mga sinulat ko at pinost ko sa wattpad (Pero sa wattpad, pinalitan ko yung names- Lia as Chlara and Jose as Jaycee).
Ito yung summary ng story ko. Si Lia, nagkacrush kay Jose dati pa talaga pero hindi niya ito sinabi kasi nga bully. (Just like in real life) Pero yun nga, may time na nagkagirlfriend si Jose (si Denise as Aica) pero noong nagbreak sila ay napansin na ni Jose si Lia (pero sa totoong buhay, si Aica pa rin ang sa kaniya) Si Denise nun ay lumapit sa America (which is not true in real life) at dahil matalino si Jose (which is super not true in real life) ay binigyan siya ng offer sa America kaya yung nangyari sa airport, pinakawalan siya ni Lia. Pero alam naman talaga ni Lia na mahal pa nito at yun na yung isinulat ko noong nahuli ako ni Ma'am. Pero may nilagay pa ako nung continuation. Naiyak si Lia nun sa airport pero may isang lalaking nakapansin sa kaniya at binigyan siya ng tissue. The End.
Actually, simple lang naman yung story. Pero feeling ko dahil realistic siya, kaya maraming nagkakagusto sa story. And which by the way, hindi ko sinabi na hango siya sa totoong buhay, slight.
Noong wala na akong magawa ay tinignana ko yung emails ko gamit ang author account ko. Kaya eto, nagbabasa ako. Matagal tagal na rin pala akong hindi nagcheck ng mails.
Nagreply naman ako kay Anna at sabi ko na okay lang at nagpasalamat ako kasi sobrang naflattered ako kasi gagamitin niya yung story ko. Wehehe.
From: Patrica Veron
Message:
Hello Ate Missy, ang ganda po ng story niyo.,. Hehe! Anyway, pwede po pahingi ng softcopy?? Gusto tlga kta i-email para makita niyo po eto!,. Godbless po!! :DD
Nireplyan ko naman. Sabi ko, pasensya na kasi hindi ako mamimigay ng softcopy. Pero nagpapasalamat naman ako kasi nagandahan siya. Nagreply naman agad.
From: Patricia Veron
Message:
Ay,.,. ganun po ba? sge po, hihintayin ko nlng po ang upcoming stories nyo po.! :))
Actually, kaya ko hindi ipapasoft copy yung work ko kasi may possiblity na isa-submit ko siya sa isang publishing company since marami rami na din namang reads. Pero yun nga ay hindi pa sure. Siguro i-edit ko pa ng bongga para mapaganda. Yun ay kung may pag-asa pang gaganda. =_=
Nagbasa basa pa ako ng ilang emails nun at super naflattered naman ako kasi mas marami yung nagappreciate sa story ko. Char. Wehe. Pero may nag-email sakin at sabi niya na burahin ko daw yung epilogue kasi napakalunkot lang na hindi nagkatuluyan sina Jose at Lia but then, oh well. Sarap replyan na agree ako sa kaniya. Bagay na bagay talaga si Jose at Lia at dapat sila ang magkatuluyan at hindi si Denise na iyon! Mwahah! May pinaghuhugutan lang noh? Pero siyempre, nireplyan ko nalang ng salamat sa pagbabasa at gusto ko ipaalam na minsan talaga, may mga bagay na hindi bagay. Minsan, mga tao lang sila. Wahah, korni.
BINABASA MO ANG
Writing About You
Teen FictionChlara is a stereotyped online writer. She drafts on her notebook a story she's been writing about a boyband's leader, Jaycee, whom she surreptitiously loved since she was in 6th grade. She calls it 'the love story na siya lang ang nakakaalam.' Pero...