Chapter II

10 1 0
                                    

FIRST DAY HIGH

Ilang buwan na ang nakakalipas ng aking pahinga. Ito ako ngayon nasa harapan na isang gate at tatahakin ko na ang sunod na kabanata ng aking buhay. Kakagraduate ko lang ng elementary at nandito ako ngayon sa bago kong eskwelahan ang St. Claire Academy. Nagtransfer ako sa school na ito kasi mas maganda daw dito sabi ng aking mama at papa.

Sabi nila high school daw ang pinakamasaya at pinakamemorable sa school days ng isang tao.

Sa tingin ko...

EWAN...

Hahaha. Wala pa akong alam... Wala pa akong idea kung magiging masaya ako o hindi. Hindi ko pa naman kasi ito nararanasan e. Magsisimula pa lang ako sa yugtong ito.

Pumasok na ko sa gate at nakita ko si manong gaurd. Bumabati sya sa mga napasok na studyanteng kagaya ko ng Magandang umaga. Mukhang mabait naman pala ang mga tao dito.

Malaki ang parking ng school. Yun agad ang nakita ko. Pagkatapos sa mismong main building may may dalawang hagdan pataas para sa mga classroom. Aakalain mong may grand staircase bago ka pumasok. Haha. Joke.

Pagkataas ko ng hagdan pinuntahan ko ang gitna ng building at iyon ang lobby. Familiar na naman ako dito kasi initour na ako nung entrance exam ng kapatid ko. Hinanap ko agad ang section ko sa mga bulletin board. St. Raphael ako. 2nd floor left wing 1st classroom.

Pagkatapos ko sa lobby nagpunta na ako agad kung saan yung binasa ko. Madali lang naman kasi isang building lang naman ang sa highschool at hanggang 4th floor lang naman. At makikita mo na agad ang left at right wing dahil sa hugis ng building para syang "Y"

"Aray! Ano ba yan!" Hay napa-upo ako sa may sahig ng corridor. May tumabig kasi sakin. Hindi naman ako nagmamadali maglakad pataas ng hagdan. Pero itong nakabungo sakin nagmamadali yata. 

"Naku sorry miss hindi ko sinasadya" sabi nya.

"Okay lang" Napa-okay na lang ako at tumayo na. Nakakahiya naman kasi 1st day disgrasya na agad. Buti na lang pangalawang hakbang pa lang ako ng hagdan kung nasa kalagitnaan na ako siguro baka gumulong gulong na ako pababa. Hindi naman sya katulad ng mga napapanuod ko sa romcom dramas or movies na hahawakan ka sa bewang mo at magso-slow mo ang buhay mo. Hahaha. HIndi ganun ang nangyari.

"Sorry talaga ha" pagkasabi nya umalis na sya sa harapan ko.

Hay nako ano ba naman yan. Makapunta na nga sa classroom. Hindi naman ako galit sa kanya kaso diba? Magdahan dahan naman at tumingin sa dinadaanan? Diba? Ako ba tumingin ba ako sa dinadaanan ko? Hindi ko naman sya nakitang bubungo sakin. Kaya kailangan ko ding tumingin sa dinadaanan ko. Lesson number 1: Wag tatanga-tanga. Maging alisto. Alwaysss. Hahaha. 

Nasa classroom nako katabi pala ng capilla ang classroom namin so observe silence tayo. Mga pari kasi ang nagpapatakbo ng school na to. Hehe. Pagpasok ko umupo na agad ako sa isang vacant seat pangalwa row sa likod malapit sa window ako umopo. Para naman makita ko ang scenery dito sa school. Ang labas kasi nitong classroom namin makikita mo ang garden at ang malawak na flag pole.

Tingin sa paligid. hmmm. Mukhang may iba na akong kaklase na magkakakilala na. Baka dito din sa sila graduate ng elementary may iba naman na mukhang katulad ko din na new student kasi tahimik ding kagaya ko. Hehe. Vacant pa yung upuan na nasa paligid ko. Sino kayang makakausap ko ngayon. Sana naman di ako out of place. Hahaha. Dito na nga lang muna ako magtitingin sa labas. 

"Miss meron na po bang nakaupo dito?" Pag tingin ko... Ito yung nakabungo sakin kanina ahh!! Meant to be lang? Hahahaha. Joke. Masyadon echosera lang cham?

"Meron po ba?" Maka"po" ha. Parang ang tanda ko na. (  -_____-)

"Ahh. ee wala pa naman." Sabay tingin ulit sa labas ng bintana.

"Hello po ate!" Bakit ba ako kinakausap nito ng may "po" at kung maka"ate" ha? Hind ko naman sya kapatid. tss. Chill lang cham. CHILL. Hahaha

"Hi! Pwede wag ka na mag "po" sakin magkakalase nga tayo e. Pati hindi mo ko ate. Haha" Chill naman ako. Hindi pa naman ako ganung ka inis sa kanya kaka"po" na sakin.

"Hindi ko kasi alam pangalan mo kaya ate natawag ko sayo. Gio nga pala. Pati sorry talaga kanina ha. Nagmamadali kasi ako" Sabay iniabot sakin kamay nya at makikipag shakehands. Buti naalala nya pero nag-sorry na naman sya sakin kanina. Okay na yun. Hindi na big deal sakin yun.

Iniabot ko din naman sa kanya ang kamay ko at nakipag shake hands. Ayoko ng may kaaway sa school no. hahaha. Kay bago-bago ko. Behave ako. Isa pa okay naman syang nakipagkilala sakin hindi naman din sya mukhang mayabang at isa pa cute itong si Gio na to ha! Infairnes! Hehe. "Chammy. And wag ka na mag "po" or ate sakin ha. Hahaha. Classmates naman tayo."

"Nice! Friends?" sabi nya.

"Friends"

"Okay. Good Morning class St. Raphael."

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon