Prologue

768 24 21
                                    

September 2004

Malapit na ang final exam niya. Kaya naman nag sisimula na siyang pahapyaw na pag rereview. Ayaw niya kung saan malapit na ang kanyang exam don siya na aaligaga.

Graduate na siya ng Political Science sa U.P Diliman Manila. Apat na taon na ng nakalipas. He work's as one of Administrative staff of S International. Ngayon kasalukuyan siyang naka enroll ng Law sa San Beda, College of Law. Kunting kunti na lang ang bubuunin niya matatapos na niya ng Pre Law niya San Beda.

Maka ilang beses na niyang pinasadahan ang kanyang libro ngunit parang di tumataktak sa kanyang isipan. Naitukod niya ang kanyang dalawang siko sa kanyang mga hita at sinapo ang kanyang sintindo. Madiin niya itong hinilot hilot sa parang iyon ay baka matangal ang kunting kirot na nararamdaman niya.

Ganap ng alas onse na ng gabi. Halos kakarating niya lang. Kasalukuyan siyang nakatira sa mansion ng mga Sy. Kung saan naging full eskolar siya nong nasa U.P pa siya. Driver ang kanyang ama ni Tito Bert. Ito ang may ari ng S International. Mayaman ang pamilya nito. Kinikilala sa larangan ng kanilang mga talento. Ang kanyang Lolo ang unang nanilbihan sa pamilya ng mga Sy. Hangang sa henerasyonng kanyang Ama, at siya.

Nang maitawid niya ang kaniyang kursong Political science. Ipinasok siya ng Tito Bert sa kompanya nito. Doon siya nagsimula ng trabaho. Gusto niyang mag ipon para maituloy niya ang kanyang pangarap na maging abogado. Dahil Full schoolar ang nakuha niya sa S International. At naging Full schoolar din siya sa U.P ang kanyang nakukuhang benepisyo from S ay nererefund niya iyon. At iniipon niya sa bangko. Para kapag dumating na mag Law school na siya ay meron siyang kaukulang pangastos sa kanyang matrikula. Naka ipon din siya na makabili ng motor para magamit niya sa kanyang pang araw araw na aktibidad. Ngayon full time siyang Administrative staff pag office hours. Tuwing ika-pito naman ng gabi estudyante naman siya sa San Beda.

Ngayon, dahil naka leave ang tatay niya, siya muna ang personal driver ng CEO ng Sy International ang Tito Bert niya. Bahay opisina at kung meron meeting na dadaluhan iyong lang ang gagawin niya. Nagagawa niya pa din naman ang mga trabaho niya sa opisina.

Dahil sa pangyayaring nagkaroon ng mild stoke ang kanyang ina.Naparalyze ang kaliwang bahagi ng katawan nito. Kaya naman ang tatay niya muna ang nag aasikaso dito.

Panganay siya sa kanilang apat na magkapatid ang sumunod sa kanya ay isang teacher at nagkaroon na rin ng sariling pamilya. Ang pangatlo nila ay nag aaral ng seaman. At ang bunso nila ay high school naman. Kaya hindi agad siya nakapag enroll ng makapagtapos siya ng Political Science sa Law School kasi pinag aral niya din ang sumunod sa kanya at guro ang kinuha nitong propesyon. Kaya lang pag ka graduate naman nito ay nag asawa naman agad. Pag ka panganak pa uli nito saka pa niya ito pinakuha ng bord exam para makapagturo at mabigyan ng maayos na buhay ang magiging mga anak nito. Ngayon halos kasabayan niya ng gastos ang kanyang kapatid na lalaki. Sea man ang kurso. Sagot niya ang tuition sagot nman ng tatay niya ang allowance nito. Ngayon pang halos sabay sabay ang gastusin niya at nag kasakit pa ang nanay niya. Siya lahat ang umako sa mga gastusin nila. Allowance ng kapatid niya sinambot na niya rin. Talaga naman halos sasakit ang ulo niya, kung sabay sabyain niyang iisipin.

Kasalukuyan siyang nakatira sa likod ng mansyon kung saan ang bungalow na tinitirhan nila noon. Nong maliliit pa silang magkakapatid ay doon sila nakatira. Dating Kusinera ang kanyang ina sa mansyon. Nang maka ipon ang mga magulang niya ay nagtayo na lamang ng maliit na karenderya ang kanyang ina sa harap ng bahay nila sa Rizal at lumipat na silang mag anak doon. Tulong- tulong silang mag kapapamilya sa maliit nilang kabuhayan. Habang patuloy pa ding nagtatrabaho ang tatay Ruben niya bilang driver ng Tito Bert. Kunting-kunti na lang gagraduate na uli siya ng Law. At mag rereview agad siya para maging ganap na siyang abogado.

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon