Nasa paaralan na si Mandy, araw-araw siyang binabati ng mga estudyate doon kahit hindi niya kilala, kasi naman marami na siyang nasalinang contest at lahat nang iyon ay naipanalo niya. Kaya maraming humahanga sa kaniya. In short, POPULAR ANG GAGA... heheh...
Marami ding nagkakagusto kay Mandy kaya lang isa sa mga ito ay walang lakas na manligaw sa kaniya dahil takot ito sa kanyang mga kuya. Minamanmanan kasi lagi ni Jason si Mandy at mahigpit ito sa mga manliligaw ng kapatid. Pati rin si Ronald ay mahigpit.
SA ROOM
"Mandy, tapos ka na ba nitong assignment?" tanong ni Diane, classmate ni Mandy. Ang palaging 3rd ng kanilang klase.
"Sus! bakit ka pa nagtatanong Diane?! Sigurado ako, tapos na iyan si Mandy.. Tama ba Mandy?" kaklase ni Mandy
Napakamot sabay tango na lang si Mandy.
"Oo, tapos na nga!"
Nang magkaroon nang break ay dumiretso sina Mandy at Diane sa library.
Samantalang si Mandy ay seryoso at walang katinag-tinag sa pagtetake note ng mga kaylangan na impormasyon, si Diane naman ay pinipigilan ang pagtili nang may dumaan na pamilyar na lalaki sa harapan nila.
Hindi na siya nakapagpigil. tinapik niya si Mandy.
"Mandy! Ayan na si John.. iyong crush ko at iyong crush din ni Fiona!!"
"Haisst!! Ano ba! Alam mo namang seryosong seryoso ako dito tapos bigla ka na lang mangungunsyumi dyan!" naiiritang sabi ni Mandy.
"Haisssttt Ang killjoy mo girl!" (Diane)
Tumigil muna si Diane sa pagbabasa at patingin-tingin lamang kay John. with matching <3 EYES!
Ito iyong mukha niya o... <3 0 <3
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog na ang bell kaya dali-daling pumunta si Mandy sa book shelf para isauli ang aklat nang may makabunguuan siya.
"I'm sorry! hindi ko sinasadya.." hinging paumanhin ni Mandy sa kanyang nabunggo nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nang nakabungguan.
Hindi namalayan ni Mandy na nahulog pala ang kanyang notebook na kung tawagin niya ay "Information Notebook."
JOHN MIJARES POV
Samantalang si John ay abot tanaw lamang si Mandy habang ito'y papalabas na nang library.
Totoo nga ang bulong-bulongan. Ang ganda niya!
Nakita niya ang information notebook ni Mandy kaya lang malayo na ito at hindi siya pwedeng sumigaw para tawagin ito dahil nga nasa library nga sila. GETS?! HINDI PWEDE MAINGAY!!"Mamaya ko na lang ito isasauli," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden LOVE
Romance"Sometimes we put too much passion on the biggest dreams and priorities in life that we fail to love the smallest pleasures from simple things. We search so much for the right choices, for the right paths to walk, and for the right reasons. But life...