Kabanata 1

4 0 0
                                    

Pula

Madilim... walang tao. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong ibang makita kundi-- dilim.

Muli, inikot ko ng tingin ang paligid, nagbabakasakaling may makita na.
At sa wakas ay may naaninag na, pero teka, sino 'yon?

Sa 'di kalayua'y natanaw ko ang isang lalaking hindi pamilyar, sa paglingon niya'y nagtama ang aming mga mata.
Dahan-dahan... mundo ko'y tumigil. Makapigil hininga. Hindi ko alam kung bakit pintig nitong puso'y kay bilis.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Maamo ngunit mukhang masungit.

Maganda ang kanyang tindig, singkit ang mga mata,
mayabang sa tangos ang ilong, may mapupulang labi at hindi kaputiang kutis.

Ang kaninang madilim na paligid ay tila ba nagliwanag, dun ko napansing pula pala ang suot niyang damit.

Nagsimula akong
maglakad papalapit sa kanya. Kaliwa... Kanan... Kaliwa... Kana-

"ITS TIME TO GET UP THE TIME IS FIVE FORTY-FIVE... ITS TIME TO GET UP THE TIME IS FIVE FORTY-FIVE."

Ano yun? San nanggaling yun?

At noon ko naramdaman ang dahan-dahang pagtapik ng aking kapatid, isang bagay na alam ko na ang kahulugan.

Panaginip... pero bakit pakiramdam ko'y totoo? Teka, sino nga pala yung lalaki sa panaginip ko?

Hindi ko siya kilala. Nakakapagtaka.

-March 2012

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon