Kabanata 2

8 0 0
                                    

Jeep

Mahuhuli na ako sa klase pero 'di ko pa magawang umalis dahil sa kapatid kong napakatagal kumilos. Hayy.

"Hoy! Dalian mo naman, anong oras na kaya." Ani ko na medyo naiinis na.

Mabuti nalang at medyo madaling makasakay ng jeep dito sa amin.

Nang marating na namin ang ikalawang sakayan ay medyo gitgitan na. Marami na ring nagmamadali dahil patanghali na.

Kailangan ko nang makasakay kundi lagot at mahuhuli na talaga ako sa una kong klase.

Unang jeep... puno.

Pangalawa... puno.

Pangatlo... puno.

Pang-apat... sa wakas! Makakasakay na din kami. Umaga palang pawis na pawis na agad ako. Tsk.

Bago pa makaalis yung jeep, may dalawang estudyante ang nagmamadaling sumiksik sa tapat namin. Isang babae at isang lalaki.

Grabe anong oras na, 7:30 unang kong klase, 7:15 na.

Lord, sana po hindi ako mahuli sa klase. Amen.

Dala na rin siguro ng pagod at inip. Hindi namamalayang nakatingin na pala ako sa kaharap namin.

Ang ganda nung babaeng nagmamadali kanina. Taga-kabilang eskwelahan lang pala siya, pero ngayon ko lang nakasabay. Siguro laging huli pumapasok. Paglingon ko...

Tug tug... Tug tug... Tug tug...

Wala na 'kong marinig. Parang huminto yung mundo ko... Bakit ako kinakabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya?

Yung tingin niya ba't ganun?

Sino ba siya?

Teka pamilyar siya...

San ko nga ba siya nakita?

Isip... Isip... Isip...

Isang minuto din siguro ang lumipas bago ko maalala kung saan ko siya na kita, at no'n ko rin napansin na antagal na pala naming magkatinginan.

Iwas tingin. Sakto namang pababa na rin sila ng kasama niya. Magkamukha sila, siguro magkapatid. O baka magjowa. Teka, ano bang pake ko? Zz.

Pero nakakahiya, baka isipin nun bet ko siya kaya ako nakatingin.

Ang weird pa rin, bakit nauna ko siyang makita sa panaginip kaysa personal?

-July 2013

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon