Itinaas baba ko ang ulo ko. Para sabihing oo tama ka.
"Si Ven ang first girlfriend ko na ex ko na ngayon. Siya yung babaeng kinababaliwan ko dati. Noong mga panahong di pa kita kilala. Siya yung dahilan kung bakit ako nakipagbreak sayo. Dahil mahal ko pa siya. Ang hirap niyang kalimutan. Kahit ilang beses nya na kong sinaktan siya at siya parin~" Nakakahiyang tumingin sa kanya. Kasi alam ko all this time na nag eexplain ako. Nakatingin lang siya sakin. Pero nagawa kong sumilip. Sa pag silip ko. Nandun naman yung mga luha nya tumutulo na parang wala ng katapusan. Di ko matiis na wag siyang yakapin. Kaya niyakap ko siya. Pero sa pagyakap ko di ko inaasahang itutulak nya ko. Nagawa kong bitawan siya.
"Tama na Brandon. Ayoko ng umiyak. Tama na ang mga narinig ko. Tama na. Ayoko na. Please leave my room. Gusto ko munang mapag-isa."
"P-pero Evel." Malamig kong sagot.
Binuksan nya yung pinto. Siya na mismo nagbukas nun. Ayoko sanang umalis pero ayaw ko ng mas lalong lumala pa. Siguro tama na yun. Tama na ang sinabi kong yun. "Leave my room! Now!!"
"P-pero~"
"NOW!!"
Wala na kong nagawa. Lumabas na ko at daham dahan niyang isinara ang pinto. Humarap ako sa pintuan ng kwarto niya. Ununtog untog ko yung nuo ko dun. I am so stupid. I am so stupid. I am so stupid.
Evel's POV:
Napasandal na lang ako sa pinto habang umiiyak. At unti unting bumibigay ang tuhod ko dahilan para mapa-upo na lang ako sa sahig habang nakasandal sa pintuan.
Ang hirap huminga, parang yung puso mo pinipiga at pinipigilang tumibok. Tuloy tuloy na paghikbi. Iniangat ko ang dalawang tuhod ko at ipinatung doon ang nuo ko. Habang takip takip ng mga kamay ko ang mukha ko.
"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu!"
Yung mga luha ko. Kusa na lang lumalabas ng walang pahintulot. Tuloy tuloy sa pag agos kahit paulit ulit ko ng pinagbabawalan. Bakit ganun parang sanay na ko sa pag iyak?
Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Malinaw na sakin kung sino ang dapat kong iwasan. Mahirap mang tanggapin. Pero sa lahat ng tao alam kong pagdadaanan nila ito. O pinagdaanan na nila ito.
Sana mabilis na lang umiikot ang mundo para ganun din kabilis magpalit ng araw, ganun din kabilis umikot ang mga kamay ng orasan at ganun din kabilis kalimutan siya.
Mahihirapan ako sa simula. Pero sana sana sana sana sana kayanin ko. Kayanin kong makalimutan siya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. At magaang bumagsak sa kama ko habang nakadapa. Pero patuloy parin ako sa pag iyak. Di ko na nga namalayan na umiiyak ako. Dahil parang manhid na ko.
Dadating din ang oras na makakalimutan kita.
Wait ka lang~
Pero sa ngayon di ko pa kaya kasi~
Sobrang sakit pa.
