HIS SIDE
I am currently seated inside a plane headed to one of the most beautiful cities in the world, Paris. At habang ang mga katabi ko ay matiwasay na natutulog o di kaya ay nagbabasa ng libro, ako itong hindi mapakali sa upuan, animo'y sinisilaban ang pangupo ko dahil kanina sa pinaghalong kaba at takot.
Tatanga-tanga ka talaga Joshua Cavier. Nasayo na, pinakawala mo pa. TANGA. BOBO. DOUCHE-BAG. IDIOT.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko upang makatulog man lang at makapagpahinga. Sa dami ng nangyari ngayon linggo, hindi ko alam kung paano pa ako naka-survive. Naging maayos naman ang paghihiwalay namin ni Mara dahil naintindihan nya ang mga nangyari. At least hindi na sya sumama pa sa burden ko.
I plugged in my earphones at nirecline ang upuan ko at sinubukan kong payapain ang sarili ko.
[FLASHBACK]
"Mara, we need to talk." Lumapit ako sa cubicle nya sa office. She is actually working for my mother, one of the best designers ng company ni Mama.
"Sure, what's that about?" She looked up and gave me a somewhat sad smile.
Hindi ako sumagot at sinenyasang sumunod na lang sya sa akin. Nang makarating kami sa kotse na ginagamit kong pangsundo sa kanya, we sat silently, nakikiramdam.
"Mar-"
"No. I don't want to hear it. I know what you are going to say. Please. No, don't say it. Just, no." And she started to cover her ears and singing a random song.
"Mara, please makinig ka sakin. Alam mo naman kung bakit diba? Napaguusapan naman natin to diba? Alam naman nating hindi talaga tayo pwede. Plea-"
"Lalalallalala. Wala akong naririnig. Lalalalala." She just continued on singing her song while tears are ready falling from her eyes.
I gave up on making her listen to me. Alam ko namang hindi nya talaga ako pakikinggan. Kaya nagulat ako ng bigla syang tumahimik.
"You know what. Maybe this is the time na dapat ko na tong sabihin. You're right. We're not meant to be. Kasi kayo dapat ni Amie. She's supposed to be yours and you be hers. Okay. Mahirap sabihin to pero I want you to listen to me, clearly. Kasi ngayon ko lang to sasabihin. I'm letting you go. Joshua, I'm letting you go because I love you so much. I'm sorry for holding you back. I'm really sorry. Go find Amie, your Amie. And I'll go find my mister right. Alam kong mahahanap ko rin sya." Nakatulala lang ako sa kanya. I can't believe na kayang sabihin ni Mara ang lahat ng yon.
"I guess this is goodbye, Joshua. Thanks for everything. I'm sorry for ruining your happiness. Bye." Tinapik nya ako sa balikat at lumabas ng kotse.
Matagal-tagal ring nagsink-in sakin ang mga pangyayari. Wala na kami ni Mara. Yung babaeng pinangakuan ko ng kasal almost 3 years ago. Yung babaeng pinagtiyagaan ang arrangement namin na ito. Yung babaeng minahal ako ng buong puso.
BINABASA MO ANG
HIS FIANCEE [TWO-SHOTS]
General FictionHow will Joshua find a way to get his fiancee back after taking her for granted?