i

210 8 0
  • Dedicated kay Floramel Isabedra
                                    

Nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay na dumating sina Cora na dumating. Usapan kase naming na ditto kami magkikita kita pagkatapos ng class naming. Habang naghihintay ako nakita ko nanaman sya. Ba't ganon, eto nanaman ako bumibilis ang tibok ng puso pag nakikita sya at hindi ko alam ang gagawin pag nanjan sya.

Kasama nya ang mga barkada nya na sina Val Jaydon, Troy, Thunder, at Tanner. Ba't ba kase ang tagal tagal dumating nina Cora. Kung kelang kailangan ko sila tsaka naman sila wala dito :3 Habang nagkukunware na may ginagawa ako nakita ko naman sina Cora, Kisses, Athena, at Sabrina na papunta na sa kinatatayuan ko.

"Hey Maxene! ;*" bati sakin ni Kisses. Sa lahat kase ng kaibigan ko sya yung masasabi ko na sobrang sweet at palaging nanjan para sakin at pag minsan sya yung nasasabihan ko tungkol sa crush ko.

"Pasensya na at natagalan kami, eto kasing si Athena may tinapos pa daw." Sabi naman ni Cora. Si Cora naman ay masasabi kong cool. Cool sa lahat ng bagay. Hindi mo makikita na may problema sya, kumbaga happy go lucky lang sya at malakas ang trip lalo na pag dadaan ang mga crush ng mga kaibigan namin. Pero sya ni minsan di naming nalaman kung sino ba ang gusto nya.

"Tinapos ko pa kase yung mga papers na kailangan naming para sa isang subject." Sabi ni Athena. Sya naman si Athena, ang kaibigan naming na medyo grade conscious kumabaga. Gusto nya lahat ng Gawain nya sa school tapos bago sya pumunta kung saan saan.

"Maxene! There's Theo oh! Kasama nya ang barkada nya." Oo Sabrina kanina ko pa sila nakita kaya nga ngali-ngali na kong umalis ditto kung di lang kayo dumating hay nako. Sabi ko sa isip ko pero syempre di ko yun sinabi sa kanila at alam kong pag sinabi ko yon lolokohin lang nila ko.

Sya nga pala si Sabrina, Sabrina Trinidad ang hyper saming lahat parang si Cora. Wala syang hiya hiya pag dating sa kahit na anong bagay kaya nga pag nahihiya ako o ang mga barkada naming sya agad ang nangunguna. Sa isang tao lang naman sya nahihiya e, kay Jaydon. Oo tama kayo, sa kaibigan ni Theo sya nahihiya. Pag nandyan na si Jaydon ay nako parang makahiya titiklop at titiklop.

"Oo kanina ko pa silang nakitang dumating dito. Ang tagal nyo kase yan tuloy wala akong kakwentuhan dito" sabi ko.

"So here we are na ;D Bili muna tayo ng makakain bago tayo magdaldalan." Aya naman ni Kisses.

Habang nakapila kami bigla namang tinawag ni Troy si Cora. "Cora!" tawag nya at di naman lumingon si Cora kase alam naman nyang iinisin lang sya ni Troy. Parang aso't pusa yang dalawang yan.

"Oy friend, tawag ko ni Troy oh, your bebe love" mapanukso namang sabi ni Sabrina.

"Bebe Love your face Sab. Ako'y tigilan mo." Seryoso namang sabi ni Cora.

"Aysuuuuus! Hahahahaha wag nga ako Cora." Mapanukso pang sabi ni Sab.

"Jaydon!" tawag ni Cora at agad naman itong napatingin. Si Sab naman ay biglang nagseryoso at tumigil na sa panunukso kay Cora.

"Ano ka ngayon friend. Hahahahaha" Bawi naman ni Cora.

Natapos na kaming bumili ng kakainin naming at bumalik na kami sa table namin. Nakita ko naman si Theo na seryoso lang sa kanyang cellphone. Siguro naglalaro lang 'yon. Habang nakain di ko maiwasan na maisip yung mga ginawa kong pagpapapansin sakanya.

Wala ngayong pasok kaya naman free na free akong gumamit ng cellpohone at mag internet. Pagbukas ko ng fb ko nakita ko namang online si Theo kaya agad kong pinindot ang panagalan nya at chinat sya.

"Hi." Sabi ko.

Pero wapake. Di manlang sineen yung chat ko. Naghintay ako ng ilang minute at maya maya ay may nag pop up. Agad ko namang tiningnan kung sino si Kisses lang pala.

Nagtatanong lang sakin si kisses sa kung ano anong bagay. Lalo na't tungkol ito sa 1D at JaDine.

Sa sobra kong naghintay di ko na namalayan na nakatulog nap ala o at sa pag gising ko nakita ko na may 1 notification ako at pagkakita ko reply ni Theo. Omaaaa! Kilig to the bones ako syempre. Pagbukas ko ay, Likezone ako. Sobrang tagal nyang mag reply tss isang like lang ang reply nya. L

Kung ano ano pang ginawa kong pagpapapansin para lang mapansin nya ko kaso wapake.

"Hoy Max! Nag daday dream ka nanaman jan!" sabi sakin ni Athena matapos nya kong kulbitin.

"Hindi a. May iniisip lang talaga ako." Palusot ko.

"Aysus!" sabi nya at nabigla naman ako ng tawagin nya si Theo.

"Theo! Si Max nga pala!" sigaw nya at dahilan naman iyon para mamula ako ng kuntodo.

"Ano kaba! Para kang sira!" suway k okay Athena.

"Hahahaha nakakatuwa ka kase." Napatingin naman ako sa gawi nila at isang tango lang naman ang reply ni Theo. At ang mga barkada ko naman ay yun, kuntodo sa pangugulit at panloloko sakin.

"Ayiiiiiiieee si Max! <3" loko pa nila sakin at mas kinikilig pa aber.

"Mas kinikilig pa kayo sakin" sabi ko naman at pilit na tinatago ag pagkakilig."

"Hahahahahaha" tumawa lang ang mga luka kong kaibigan.

~

SherlockSparkle

Ang Manhid Kung CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon