Chapter 3: Detention

35 2 3
                                    

Luna's POV

Nandito na kami ngayon sa room at hinihingal dahil sa pagtakbo.
" Hahahhaha. Grabe ang saya non. Ang saya pala makipag away sa mga tao no. "
  sabi ni Crystal. Pero si Ryllie ayun wala kang emosyon na makikita sa mukha nya. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito.

Well, well, well. Look who's here. Gusto pa ata nila ng round 2 eh, hahahha. Nakita kong inilibot nila ang mga mata nila at huminto sa amin. Tinignan nila kami ng napakatalas. Na konti nalang ay dukutin ang mata mo. Pero gumanti kami sa pagtingin nila. Ay mali. Hindi pala. Si Ryllie lang pala ang gumanti sa tingin nila. Binigay naman ni Ryllie ang napaka Demonyong tingin nya. Kulang nalang ay lamunin nya ito ng buhay. Napatingin naman sila sa ibang direksyon at tumingin ulit sa amin. Hahah. takot sila sa mata ni Ryllie. The Blue eyed Monster. hahahah. Pinaningkitan ni Ryllie ng mata ang tatlo. Kita ang inis sa mukha nila. Lumapit sila sa amin at huminto samga tapat namin. Bigla nilang kinuha ang bag namin at itinapon ang laman sa lapag. Kita ang inis sa mukha namin sa sobrang galit. Pero si Ryllie naka Poker face lang sya. Nagulat nalang ako na biglang sinabunutan ni Crystal ang katapat nyang lalaki kaya naman naki gaya nalang ako. Pero si Ryllie Inapakan lang ang paa ng lalaki at. Oh!!! Sinampal ni Ryllie ang lalaki ng napaka lutong. At sinabunutan ito. Napahinto kami sa mga ginagawa namin ng may kumatok sa pinto at pumasok ito. No!!!!! Ang teacher namin sa History.Pagkapasok na pagkapasok nya ay napatingin ang teacher namin sa amin at sumigaw ng napakalakas na

"DETENTION!!!!" sigaw ng teacher namin

pagkasabi ng teacher namin non inayos muna namin ang mga gamit namin at pumunta na sa harap ng teacher namin para kunin ang detention slip namin. Bwisit na to oh!

" Eto na yung mga detention slip nyo. "

Kinuha naman namin ng padabog dahil sa galit at lumabas na ng room para pumunta na sa isa pang room namin. ang 'Detention room ' hay nakakainis talaga..... Nang makapunta na kami doon ay umupo na kaming tatlo at nag simula na ang tatlong mga lalaki na to sa pang sesermon sa amin. Habang pinagpapatuloy nila ang pangsesermon ay nagsalpak nalang kami ng earphones sa mga tenga namin dahil wala naman kaming pake sa mga sinasabi nila puro lang sila dal dal.

" Hoy! Hindi pa tayo tapos! " sabay sabay na sabi nila at kinuha nila ang mga earphones sa mga tenga namin at sinabing

" Ito ba ang ina atupag nyo? Kung gusto nyong makuha to habulin nyo muna kami. " Katulad nga ng sinabi nila hinabol nga namin sila.

Habang hinahabol namin sila biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang mala anghel na mukha ng aming perfect of discipline.
" Ano yang ginagawa nyo naghahabulan! Hindi po ito playground para maghabulan kayo! plus 3 hours detention!!!!" at umalis na ang amin napaka bait na perfect of discipline.

Bigla namang binatukan ni Crystal ang tatlong lalaki sa sobrang inis. At dapat ay pipingutin pa nga nya ang tatlo pero umiwas sila at sinabi ng isang lalaki na
" Wait, pwede ba magusap nalang tayo. Tutal hindi pa naman tayo magkakakilala."

inikot namin ang mga upuan at umupo para makapag usap usap kami.
" Okey. Ako nga pala ang napakagwapo na si John Drake Salvador. "
" Ugok hindi kaya. Sagwa! " sabi ng dalawa na nasa gilid nya.
" Okey, eto na. ako nga pala si John Raven Ramos."
" At ako naman si Ethan Charles Delos Santos."

Thank you po sa mga nagbabasa nito. Sorry po kung natagalan ng pag update. Marami po kasi akong ginagawa.
Credits nga po pala kay @straw_berrylover sa pag gawa ng cover ko at pag tulong gumawa sa chapter na ito.
Salamat po sa pagbabasa nitong story ko. Kahit na silent  readers kayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret: Life of super naturalsWhere stories live. Discover now