It's been a year since I ran away with my bestfriend yna. Dinala niya ako sa isang isolated na lugar na miski ako hindi ko alam kung asan ako. Tama ito sa pag tatago ko.
"Sandra iha" tawag sakin ng isang may idad na babae.
"Manang lorna" bati ko kay manang at humalik sakanya sa pisngi. "Kumain kana ba iha?" Tanong niya.
"Opo manang" si manang lorna ang nag patuloy at gumabay sakin dito. Tagaluto siya sa hacienda nila yna
"Mabuti naman kung ganoon, aba hapon na bat wala parin si alselmo? Yung matandang yun talaga oh"
"Manang baka nasarapan lang sa lambanog kaya natagalan hahaha." Pagbibiro ko kay manang
"MAAAAHAAAALL KOONG LOORNAA OHHH AKINNNG INIIBIG~" nagulat kami ni manang at lumabas upang makita kung sino ang nagiiskandalo sa labas.
"M-manong?"
"ALSELMO!!" sigaw ni manang nagulat na lang ako dahil may dala na siyang walis ting ting. Hahahaha manang talaga.
"MAAAHAAL KONG LOR~" (POOK) di na natapos ni manong ang sinasabi niya dahil hinampas na siya ni manang ng walis.
Natutuwa talaga ako sakanilang dalawa kitang kita ang pagmamahalan nila. Kung ganyan sana kami ni~ damn sandra di kayo magiging ganyan ng hayop na yun! Napailang na lang ako sa naisip ko.
"Sandra iha paki tulungan nga akong I akyat sa taas ang lasingero na ito" agad ko naman tinulungan si manang sa pag aasikaso kay manong.
Nagising ako ng maaga upang ihanda ng makakain sila manang. Maaga kasi sila umaalis dahil si manang tagaluto sa hacienda nila yna at si manong naman ay magsasaka.
"Magandang umaga po manang" bati ko kay manang na kagigising palang.
"Oh iha naunahan mo nanaman ako sa pagising" natawa ako sa sinabi ni manang dahil totoo nga nakikipag unahan ako magising sakanya dahil gusto ko sila ipaghanda bago sila umalis.
"Naku manang sabi ko po sa inyo hayaan niyo po ako pag silbihan kayo" sabi ko
"Ikaw talaga iha oh. Bat kasi dito ka saamin? E mas maganda magiging pamumuhay mo kung sa hacienda ka nila ma'am yna tumuloy"
"Manang ayaw niyo na po ba ako dito?" Pag papaawa ko kay manang "hindi naman sa ganoon iha, ayoko lang mahirapan ka"
"Kay aga aga ang drama niyo dalawa, Lorna yung kape ko nga!" Sabi ni manong at naupo sa lamesa.
(POINK)
"HOY ALSELMO MATAPOS KA MAGPAKALUNOD AA LAMBANOG GANYAN ANG ASAL MO IKAW MAG TIMPLA NG SARILI MONG KAPE!"
Highblood nanaman si manang napangiti na lang ako at tinimpla sila ng kape.
"Lorna naman pasensyahan mo na ako nag kayayaan lang kami nila pedring." Pag aamo ni manong kay manang "ito na po kape niyo manang, manong" bigay ko sa kape nila.
BINABASA MO ANG
ESCAPE
Romance"Sandra? Seryoso ka sasama ka sakin?" I sigh may choice pa ba ako? I need some air. "Oo yna sasama ako and it's final" Sira kaba sandra? Paano yung asawa mo? Alam mo ba ngyare nung nawala ka sa paningin niya? That asshole di ko malilimutan yun. He j...