litong-lito

7 0 0
                                    

                         1
Nung una akala ko mahal mo rin ako
Eto naman ako umasa sa wala
Pero bakit kahit anong sakit ang idulot mo
Sadyang di ko pa rin kayang bitawan ka

                        2
Oo, Oo mahal pa rin kita
Mga masasayang alaala
Sakit at hapdi
Kirot at hirap
Tawanan man o iyakan
Dapat ko na nga bang bitawan na o panghawakan pa?

                  CHORUS
Kaya ko na nga ba?
Bumitaw sayo na minahal ko ng buong-buo higit pa sa sarili ko
Kaya ko na nga bang utak ko naman at di ang puso ko ang pairalin sa pagkakataong ito
Kaya ko na nga ba? Kaya ko nga ba talaga?
Kayanin ko sana

                           3
Bibitaw na ba?
Baka may paraan pa?
Babalik ka pa ba o aasa nalang ba muli ako sa wala?
Muli mong bang iiwanan ang puso kong nangungulila?
O baka kailangan na bigyan kita ng pagkakataon
Pagkakataong patunayan at iparamdam sakin na mahal mo rin ako ohhh

                         4
Pagmamahal at saya na aking nararamdan tuwing kasama ka
Napalitan na ng sakit,hapdi,kirot ng pusong durog na durog na
Kaya ko na nga bang bitawan ka?
Desisyon na pag napagpasyahan na may makapagpapabago pa ba?
Desisyong pag nabuo na maraming pwedeng mawasak na mga pangarap at mga pusong umaasa pa't naghihintay

                          5
Hahayaan nalang bang puso nalang lagi ang magdikta
Puso ko na ngayon di ko na kayang paniwalaan pa
Utak kong pilit nilalabanan ang puso ko oh
Ngayon nama'y dapat bang pagkatiwalaan ko na?

                         6
Kaya na nga ba kitang iwan?
Iwan mag isang tinatahak ang daang binuo natin ng magkatuwang
Mga pangarap at mga pangakong maglalaho na lamang na parang bula
(Kasabay ng pagbitaw)
Kasabay ng pagbitaw ko sa kamay mo
Sa kamay mo na hawak pa din ako pati ang puso kong litong-lito(durog na)

                          7
Takot at pangamba sa puso ko ay nangingibabaw
Takot na baka lalo lang madurog ang puso kong ikaw pa rin ang laman
Sadyang di ko pa rin mabitaw-bitawan pagmamahal ko sayong buong buo pero puso ko ang dinurog na

                         8
Kasiyahan na kinain na ng nakaraan
Kasiyahang walang sino mang makapagpapadama sakin kundi ikaw lang
Ngunit tila bawat sayang aking nadarama ay kapalit naman nito'y mga luhang walang humpay ang pagpatak
Mga luhang para bang nasa karerahan, unahan sa pagpatak simbolo ng sakit na walang katapusan

                        9
Puso kong litong-lito kailan nga ba mahahanap ang tunay na laman
Puso kong sana buo pa rin hanggang ngayon
Puso kong sana'y matutunan kong pagkatiwalaan ulit
Sana'y maliwanagan na ang puso ko
Ang puso kong litong-lito

Bibitaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon