GIRL IN THE DARKNESS

25 0 1
                                    

Nakita mo na ba ang sarili mong nag-iisang umiiyak? Yung tipong wala ka ng makapitan. Yung parang gumuho ang mundo at ikaw lang ang natira sa gitna ng kadiliman.

Naranasan mo na bang kontrolin ng iba ang buhay mo. Ang mabuhay sa EXPECTATIONS nila. Hanggang sa puntong ikaw mismo ang nangloloko sa sarili mo. Nasisinungaling ka sa tunay na nilalaman ng puso't isip mo kahit na sa harap pa ng taong minamahal mo masunod lang ang pangarap ng mga tao para sayo. Yung ipagpalit sya para sa hangad ng iba.

Sabi nila FRIEND IS THE GREATEST ENEMY, masakit man tanggapin pero ito'y may katotohanan. Maaaring sa saya minsan mo syang nakasama, eh sa kalungkutan ba dinamayan ka nya o sya pa mismo ang nagdulot ng lamat sa inalagaan mong pagkakaibigan. Sa huli, ang matagal na pinagsamahan, naglaho na sa kawalan.

KASIYAHAN NILA O KASIYAHAN MO MUNA? Ano ba ang mas mahalaga?

Minsan sa buhay ng tao, mararanasan natin ang iba't-ibang mukha nito:

-ang maloko

-ang mabigo

-ang umiyak

-ang masaktan

-ang maipit sa dalawang choices ng buhay

-at mawalan ng pag-asa

PERO ang mahalaga matuto tayong lumaban at magpatuloy sa gitna ng kalungkutan para sa inaatim na kasiyahan.

Masaya ka ba?

Kuntento ka na ba?

Ano ba ang kailangan ng isang tao para lumigaya?

Sa mga bata, candy lang ayos na.

For the teenagers, LOVELIFE BA?

For the adults, PERA AT KAYAMANAN ang kadalasang hiling nila.

Napansin mo na habang tumatanda tayo, dumarami at lumalaki din ang dine-demand natin sa buhay. Nawawala yung PAGKAKUNTENTO kaya naglalaho rin ang saya na dati'y sa simpleng mga bagay lang nakukuha na.

Sa story na ito, let us explore the innocent yet matured mind ng isang tao. Ang mabuhay ayon sa dikta ng sariling isipan. Ang magmahal ng isang taong akala mo sa pangarap lang magkakatotoo at sa huli sya pa ang nagbigay ng liwanag sa madilim mong mundo. Ang umiyak dahil sa kabiguan at matutong tumayo para lumaban.

*******

If this intro got 10 reads, I'll continue

THANK YOU!!!:)

I am open for suggestions, comments or even stupid proposals. See yah for the next update... Hope so:]

*******

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GIRL IN THE DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon