Nagsimula kami sa loob ng building ng mga ordinary students, Inikutan na namin ang 1st floor ng building. Ang mga 1st year kasi ay nandito sa 1st floor. Ang mga 2nd year ay nasa 2nd floor. Ang mga 3rd year ay nasa 3rd floor at ang mga 4th year ay nasa 4th floor. Ipinaghiwalay nila ang mga 1st year, 2nd year, 3rd year at 4th year para maiwasan ang gulo at ang pakikipaglandian nila. Tsk. Wala namang nagbago eh. May mga gulo pa ring nagaganap at hindi rin nila kayang iwasan ang pakikipaglandian nila. (-__-)
"Nakaunang floor pa lang tayo. Meron pa tayong tatlong floor na kaylangang akyatin." sabi ko
"Bakit naman? Anong floor ba ang klase ko?" tanong nya
"Sa 4th floor pa dahil nandoon ang mga klase ng mga 4th year students." wika ko
"Ha? Bakit naman ang layo?"
"Ewan ko sa principal na 'yon. Sabi daw nila para maiwasan daw ang gulo at ang pakikipaglandian nila pero wala mang nagbago."
"Ahh... Okay. Oo nga pala,. saan yung classroom mo?"
"Wala dito ang pinapasukan ko. Nasa malayo pa ang sa akin."
"Eh? Kung ganun pala, bakit nandito ka? Wala ba kayong klase?"
"Parang ganun na nga. Ay hindi pala, ganun na talaga. Kapag kasi Special A ka. Hindi ka na nagkaklase."
"Ha? Hindi kita maintindihan." (-__-")???
"Haaaayyyy...." sabi ko at nagsigh na lang...
Kinwento ko sa kanya ang buhay ko dito sa school. Sinabi ko sa kanya kung bakit simula nang nagfirst year ako dito ay wala na akong ginawagawa at sinabi ko na rin sa kanya ang pagtatrato at ang mga tingin sa akin ng mga ordinary students. Nakita kong lumungkot ang kanyang mga mata at hindi na umimik hanggang sa abutan na namin ang kanyang classroom.
"Osige na, mauna ka na at baka malate ka pa sa new class mo. Enjoy your first day of school." paalam ko sa kanya
"Sige. Uhmm.. Pwede bang magpafavor? tanong nya
"Osige, ano ba 'yon?"
"Pwede bang mamaya pagkatapos ng klase ko, ipasyal mo ako sa klase mo?"
"Uhmmm... Okay."
"Really? Oh, thank you so much Mae. I'm so excited, I can't wait to see your classroom especially your classmates." sabi nya ng medyo malakas.
"See yah later BF." paalam nya
"Goodbye" paalam ko rin sa kanya.
Pumasok na sya sa kanyang klase atsaka umalis na rin ako. Bumaba na ako mula 4th floor hanggang 1st or ground floor ng building. Lumabas na ako ng building at lumibot-libot muna sa buong academy....
Lakad............
Lakad.........................
Lakad............................
Lakad.....................
Lakad...................
Sus! Ano ba naman 'to? Paikot-ikot na lang ako dito. Hmmm...... Ah! Oo nga pala. Meron pala kaming fountain sa dulo ng garden. Well, simula 1st year ako hindi pa nagagawa ang fountain na 'yon. Nagawa na ang fountain noong 3rd year ako. Hindi ko pa nakikita 'yon, sa harap lang kasi kami ng garden kapag nagtatambay.
BINABASA MO ANG
♥ Special 2 ♥ (Book 1)
Teen FictionHe's RICH, she's POOR He's MR. POPULAR, she's MS. NOBODY He's ALMOST PERFECT, she's SIMPLE He's COLD, she's JOLLY He's a JERK, she's a LADY He's the RANK 1 of the whole academy while she's only their RANK 2. What will happen if they will be classmat...