Chapter 1: Thirst

221 4 6
                                    

All i want is to have a normal life like other people. Doing normal things. Going to school meeting strange people making friends.

Simple isn't it?

But why is it so hard to be like what i want?

Weird right? Yeah I know -________- I was startled with my thoughts when i heard someone walking towards me i can hear his footsteps.

"Kung palang may gustong pumatay sayo hindi sila mahihirapan" i heard a familiar voice my eyes search where the familiar voice came from and i saw Renz coming out from the dark

Renz is a childhood friend. He lived here when we were kids but move out because he's going to school. Ohh Goood! I missed him so much. It's been half a year since the last time he went here. I want to yell at him or break his bones because he didn't even bother himself to see me or even say 'hi' to me through email or txt for half a year but I cant move because my body hurts like hell, i feel so tired of everything and most of all im thirsty.

"No one would dare to do that" imbes na magalit ay binalik ko ang tingin ko sa mga maliliwanag na bituin sa langit. They are RELAXING. My room is covered by silence

Out of nowhere nagsalita ulit sya

"Ano iniisip mo?" seryosong tanong ni renz

"You already know what I am thinking why bother asking?" Sarkastikong sabi sakanya para mapagtakpan ang lungkot at hapdi na nararamdaman ko

Narinig ko siyang nag buntong hininga. Alam kong paulit ulit nalang ang ganitong eksena pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung ganito ang nararamdaman ko gusto ko din naman na maranasan ng isang normal na tao. Nabalot ng katahimikan ang madilim at malaking kwarto ko.

"So how's life? Tagal mokong di pinupuntahan magtatampo nako nyan" pagbasag ko ng katahimikan tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti dahil alam kong nalulungkot sya pag nakikita nya akong nagkakaganito.

"Ok naman. Sorry naman naging busy kasi e" ngumiti sya ng pilit

"Kumusta naman si Lheo? Tagal na ng nagparamdam nung mokong na yun ah." reklamo ko sa kanya. Lheo is my childhood friend too. Tatlo kami nila renz na magkakasamang lumaki matanda lang sya ng ilang months sakin.

"H-ha? O-okay n-naman s-sya pinuntah-han nga ako nung isang araw" nauutal nyang sabi inilagay ni renz ang mga kamay nya sa bulsa ng pantalon nya at tumingin sa langit kung saan kami kanina nakatingin. Bakit sya nauutal? No dapat pala bakit sya nagsisinungaling? Tsk tsk.

"Liar" walang emotion na sagot ko. Nabigla ako ng nasa harapan ko na sya at pinipisil ang pisngi ko

"HAHAHA! You're so cute. Wag kana mag tampo madami lang talagang ginawa" nakangiting sabi nya habang pinipisil parin ang pisngi ko. Anong cute sa sinabi ko?!?

Iniisip ko kung ano yung kinakyutan ng sinabi ko pero pisil pa din sya ng pisil sa pisngi ko

"ANO BA LALAPAD NA MUKHA KO NYAN IHH!" tinabig ko ang kamay nya inalis naman nya ito habang tumatawa ng malakas

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Ang cute cute mo kasi eh" tawa pa rin sya ng tawa. napakamot nalang ako sa ulo. 'tsk tsk' malapit na rin ata to matulad kay Lheo nasisiraan na ng ulo Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palayo sa nababaliw na si Renz.

"O san ka pupunta?" tumigil na sya kakatawa ng nakita nyang paalis na ko

"Kung san walang istorbo" boring kong sagot. mabilis naman syang sumunod sa pupuntahan ko medyo naalis na din ang sakit ng katawan ko pero ang pagka uhaw hindi.

"tignan mo to kanina makapagreklamong hindi pinupuntahan wagas ngayon naman iiwan mokong mag isa dun" reklamo nya

"E kasi naman parang nababaliw kana tumatawa wala naman nakakatawa baka mahawa mo pa ko!" Kasi dati hindi naman ganyan si Renz konti lang baka nahawa kay Lheo kaya bago pa ako mahawa ni Renz lalayo nalang ako diba?

Seducing Vampire HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon