Chapter 8

80 1 0
                                    

Chapter 8

Xander’s POV

Umaga na, nagising ako na kayakap ang isang babaeng kinaiinisan ko, ang babaeng laging pina-pakialaman ang lahat ng kalokohang ginagawa ko sa mga babae. Sa tuwing naaalala ko yung kagabi, nung sinagot nya ako… hindi ko alam, pero may parte sa akin na masaya dahil kasama ko sya. Tinitigan ko ang napaka peaceful at mala-anghel nyang muka habang natutulog, ibang-iba na ang turing nya sakin kumpara sa dati na halos mag patayan kami sa kaka-away. Unti-unting dumilat ang mga mata nya…

“Good morning” bati nya sa akin habang naka pikit at naka ngiti. Ang ganda nya pala pag bagong gising…

“Pinapaalala ko lang sayo, hindi ka pwedeng ma-fall sa kanya” paulit ulit kong naririnig ang sinabi sa akin ni Zen nung gabi bago kami pumunta dito.

“May problema ba?” napansin nya atang naka-kunot ang nuo ko… hindi nya ako pwedeng mahuli. Oo, tama. Ang dapat lang mangyari ay ma-fall sya sa akin at masaktan ko sya. Tama! Yun nga Xander! Arrgghh… >_________<

“Xander?”

“Ah. Wala, okay lang ako. Good morning” bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa nuo. Hindi ko alam, may part sa kunsensya ko na sinasabing hindi ko sya dapat saktan.

“Ah… kanina ka pa gising?” tanong nya habang naka yakap sa akin…

“Oo… maliligo muna ako…” at nginitian ko nalang sya sabay direcho sa cr.

“Xander… ano bang nangyayari sayo!!” sigaw nya sakin, alam kong nasasaktan sya. May part din sakin na nasasaktan, pero diba… hindi ako dapat masaktan? Hindi dapat. Hindi dapat kasi…d-diba…kaya ko sya niligawan at pinasagot d-dahil…g-ganganti ako sakanya. H-hindi ko s-sya…m-mahal diba? Yumuko nalang ako at dumirecho sa cr.

Natapos ako maligo… wala na sya sa kwarto. Baka pumunta sa mga kaibigan nya… nag lakad lakad ako samay dagat. Maraming babae na nag papa-cute sa akin, kaso wala ako sa mood na makipag landian (--.) kaya yun, sinungitan ko. Nakita ko sya sa isang tabi malapit sa dagat, nakaupo… umiiyak ba sya? Lalapit na sana ako, kaso –

~ krrrrriiiinnnggg ~

“Bro, ano?” bungad sakin ni Zen

“Oh bro? anong ano?”

“Ano nang balita sainyo ni Czarina?”

“Eh eto… kami na, paano ba yan?”

“Lakas mo talaga dude! Haha! Pag-uwi nyo dito ibibigay ko na yung pera mo, ikaw na bahala kung ibbreak mo agad yan.”

*toot toot toot*

B-break? Makikipag b-break ba ako sakanya? Para kasing… hindi! Mali yan Xander! Nilapitan ko na sya, umiiyak parin sya, ayoko makakita ng babaeng umiiyak. Umupo ako sa tabi nya…

“Uy” humarap sya sa akin ng dahan-dahan… namumula yung mata nya, kanina pa ba sya umiiyak?

“Bakit *huk* ka nandito?” bakit nga ba? (,--) di ko rin alam eh -_____- para siguro damayan sya? Aarrghh! Ang gay!

“Eh bakit ka umiiyak?” tinitigan nya muna ako bago mag salita

“Ako unang nag tanong, bakit sasagutin mo akong sagot?”

“Okay… andito ako kasi nakita kitang umiiyak.”

“Ah.” Yun lang sinagot nya sakin, di ako sanay na ganyan sya sa akin.

Fall of The Cassanova Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon