Chapter 10

143 1 0
                                    

Chapter 10

Xander’s POV

Weeks after naming  mag shoot, lahat kami naging close. Pati nga kami ni Princess na di naman talaga ganun ka-close dati naging close ko. Nandito ako sa isang café malapit sa DM Building at hinihintay ang staffs, mag kakaroon kasi kami ng celebration nung sa magazine namin at celebration na rin ng birthday ni Princess. August 5 ang birthday nya at ayun… she’s 15. We’re so young sa pagiging model namin, pero okay lang naman sa parents namin yun. Sila pa nga yung nag encourage kay Princess, at ako? Wala naman sa parents ko yun. At dahil nabored ako, nag post ako ng status sa facebook, bakit? Uso fb sakin eh. Haha.

“Here at DM Café, waiting for the birthday girl and the staffs. Hope she’ll enjoy her celebration ;) Hi to all my friends, classmates and schoolmates ^_^ how’s Philippines? And school.”

Yan ang sabi ko sa status ko, at akalain mo? Ang dami agad nag like at comment? 60 likes and comments? Yung totoo? Wala ba silang pasok ngayon? Monday naman diba? Haha, pero nakaka-tuwa yung iba nilang comments. Sa totoo lang, natutunan ko na rin maging mabait sa mga tao sa school.

“Yay! Xander, we really miss you!”

“We saw DM’s magazine na yung cover ay ikaw, kaya binili agad namin ^_^”

“Wow, si Princess yung kasama mo diba? Model pala sya…”

“Dude! Bakit ang tagal mo naman bumalik? Miss ka na namin! Haha!” – Zen

“Nabakla ka kay Xander Zen? Naku! Mahirap yan! XD” – Migz

“Xander, bakit si Czarina pa… ako nalang…”

“Hindi, ako nalang…”

“Wag nga kayo, para sa akin si Xander!”

“Woah! Guys! Sa chatbox kayo mag agawan! Haha, status to, hindi chatbox!” – Migz

“Tsaka nandito naman ako, haha.” – Zen

Loko talaga tong si Zen, pero… anong ibig nilang sabihin na bakit si Czarina pa? alam kaya nila na kaya ako umalis ay dahil kay Czarina? Ayokong sisihin nila si Czarina.

“Guys, babalik din ako… don’t worry, and it’s not about Czarina. So please, don’t blame her sa pag alis ko.”

“Kunyari ka pa dude! Wag kami lokohin mo, haha. Okay lang naman eh…” – Zen

Anong sabi niya? Okay lang? ibig sabihin, kung sakaling ligawan ko ulit si Czarina, okay lang sakanila? Haha. Loko.

“Loko ka pre! Tigilan mo ko, oh sya, mamaya na tayo mag usap, andito na sila. Ingat kayo dyan…”

At ayun, ang dami nang comments… nandito na sila Princess. Kinausap ko lahat ng staff na walang mag babanggit kay Princess about sa birthday nya, kaya ayan, walang bumabati sa kanya. Balak naming syang i-surprise ^_^v

“Yay! Successful ang issue natin this August! Good job guys!” – Princess

(A/N - See cover at the side ^_^)

“Oo nga guys, ang ganda ng cover nyo, bagay na bagay kayo…” – Madison

“Ayyiiiieee… bagay sila…”

Pang aasar nila sa amin, tinignan ko naman yung magazine, oo nga noh? Bagay din kami, haha. Mukha ngang nag kakagusto na ako kay Cess eh, halos araw-araw ba naman kaming mag-kasama diba? Tsaka mabait sya, brat nga lang minsan. Nakita kong nag blush si Cess, haha, kinikilig ba sya? Napa ngiti nalang ako, pero maya-maya habang nag uusap-usap kami, palungkot ng palungkot yung mukha nya…haha. Kunyari wala kaming naaalala ngayong araw na event. Actually mag 6pm na, pero wala pa ring bumabati sakanya. Nag excuse sya para pumunta sa powder room, alam kong mag eemote sya dun, pero hinayaan muna namin, ginamit na namin yun na time para makapag ready, nag tataka rin sya kanina kung bakit walang customer sa DM, yun ay dahil ni-rent namin yung café para sa birthday nya.

Fall of The Cassanova Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon