Constant

955 30 0
                                    

ARA

"Dali na kasi, Ate A! Ikwento mo naaa." Sabi sakin ni Kianna na kanina pa ako kinukulit about my high school love life.

Pero past is past na talaga eh tsaka wala naman yun so, "Ayaw." Sabi ko naman sa kanya.

Biglang tumigil si Mika sa harap namin na parang tinakbo buong La Salle sa sobrang hingal. "Hoy, babaita! Huminga ka nga! Mamaya mahimatay ka na dito ng wala sa oras." Sabi ni Cyd

Huminga ng malalim si Mika at nag ayos na rin ng buhok niya. "Kasi guys....."

"Ano...." Sabay sabay naming sabi

"May bagong recruit yung Green Archers!!"

At sunod sunod na nag tanong mga teammates ko. Kala mo naman magkaka-forever na kapag na meet nila yung bagong recruit na yun. And bagong recruit? Sa kalagitnaan ng sem?

"Anong year?" Tanong ko kay Mika

"Third. Ka-year natin!" Sabi niya

Third year? Bakit naman may bigla bigla nalang lilipat sa kalagitnaan ng first sem na third year? Hmmm..

-

"Nice one, team!" Sigaw ko naman sa teammates ko. And after non, pinag water break na muna kami ni coach. All of us are really doing well. Hindi malayo na we'll get the crown this season.

Pa-inom na sana ako sa water jug ko pero bigla namang lumapit si Mika sakin na sobrang excited nanaman. "Daks! Huhu ayun yung bagong recruit oh!"

Sa sobrang focused ko kanina sa training, hindi ko na namalayan na kanina pa pala nanonood yung Archers. Wew. "Ha saan ba?"

"Ayun nga oh! Yung katabi ni Jeron!"

And as of cue, biglang tumayo yung sinasabi ni Mika na pupuntahan si Prince na kaka-pasok palang sa Razon. He's tall and I must say that he's the type of person who's really serious. Pero okay.. Handsome na rin. But he looks like someone from my past.. He might be..

"Theo!" Sigaw ni Jeron dun sa bagong recruit

Ha?! Theo?!?!

"Rivero!" Sigaw naman ni Kib since hindi siya tumingin nung una

Theo Rivero?! Bakit iba yung name? Pero kung siya man yun, welcome change na talaga. Height and looks palang ang laki na ng inimprove. Kahit sa attitude din and aura. Pero parang hindi rin eh? Baka hindi nga siya si "Theo" from the past. Baka hawig lang at sadyang feeler lang ako. Ewan!

"Ara!" Sigaw ni coach. Oops napahaba ata pagiisip ko dito, di man lang ako tinawag ni Mika psh.

-

"Tapos yun nga, sa dulo naging sila na. Kakilig 'no? Huhu! Kelan kaya ako makakahanap ng sar-"

Bigla naman akong tinapik ni Ye sa noo. "Huy ano ba! Kanina pa ako kwento ng kwento, hindi ka naman pala nakikinig. Edi shing nalang talaga."

"Sorry na! May iniisip lang kasi ako."

"Ayan nanaman po siya sa pago-overthink niya. Ano ba iniisip mo?"

"Bigla ko nga kasi nakita yung "Theo" na yun three weeks ago diba? Nung training natin. Siya yung sinasabi mo na bagong recruit. Siya yung kwinekwento ko sayo dati pa."

Bigla naman siyang naguluhan "Ha? Eh hindi mo naman siya nabanggit sakin. Wala ka namang sinasabing, Theo."

"Hindi hindi. Kasi feel ko nga yung Theo na yun, si Thomas talaga siya. Baka nag iba lang ng name or something?" Sabi ko naman kay Mika

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOTONDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon