Black Angels
This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the author.
MousyMice
AN: I'm not really good in writing but I always keep myself updated with my own imagination so I write, write and write.
~oOo~
Jisoo, Jennie, Lisa, Rose
Sila ang apat na anghel na kelangan ko dalhin ulit sa lupa. Hindi natuloy ang pagbibigay namin ng pakpak sa apat nang malaman namin na may kulang sa buhay nila.
Lahat kaming mga arkanghel hindi agad napansin na may kulang sa buhay nilang apat. Hindi naman kasi basta basta pwede bigyan ng pakpak lahat ng mga papasok dito sa paraiso. May mga anghel parin na hindi nabibigyan ng pakpak kahit gaano pa sila katagal rito dahil sa may kulang.
Pero kung masyadong malaki ang kulang sa buhay ng apat na babaeng ito, paano sila nakapasok dito sa paraiso?
"Michael?" tawag ko kay Michael, napatingin siya sa akin na may pag-aalala.
"Uriel, kelangan mo na silang dalhin sa lupa. May isang buwan lamang sila pwede manatili doon at hanapin ang kulang sa buhay nila." napakunot lang ang noo ko sa utos niya. Kakaiba kasi yung aura niya ngayon. Parang may mali. Tumango nalang ako saka sinunod ang utos niya.
Pinuntahan ko ang apat na anghel. Lahat sila ay nagtataka rin sa nangyayari at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang sitwasyon lalo na kung hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Sina Michael at Gabriel lang kasi ang nakakaalam bukod kina San Pedro and His Almighty.
"Hi girls." kinakabahan kung tawag ko sa kanila. Pareho silang napatingin sa akin.
"Hello Uriel." I smiled at them. Ewan ko ba. Nakakaba tong gagawin ko. Nakakakaba kapag gumawa ka ng isang bagay na wala kang masyadong alam. Kung pwede lang sana pilitin sila Michael at Gabriel na sabihin sa akin kung anong problema, hindi sana ako kakabahan.
"Uriel, ano nangyari? Bakit hindi natuloy ang seremonya sa pagbibigay ng pakpak sa amin?" tanong ni Jennie.
"Oo nga. Nakakapagtaka. Kami pang apat yung hindi nabigyan ngayon ng pakpak." malungkot namang saad ni Jisoo.
"May problema ba Uriel?" tanong ni Lisa. Nawala yung ngiti ko. Paano to? Hindi pa ako nakakapagsinungaling sa buhay ko. Paano ko sasabihin sa kanila na meron nga?
"Uriel, hindi ba kami qualified para maging tunay na anghel?" hinayaan ko na bumagsak ang balikat ko sa mga tanong nila. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ni Michael. Sana alam ko nalang para alam ko rin ang gagawin ko ngayon bukod sa utos ni Michael.
"Girls. Makinig kayo sa sasabihin ko." naramdaman ko agad ang pagkatense ng katawan nila. Huminga ako ng malalim bago ako magpatuloy. "Ibabalik ko kayo sa lupa para sa mission niyo."
"Mission?" sabay nilang tanong. Tumango ako.
"Kelangan niyo mahanap ang nawawalang parte sa buhay niyo sa loob ng isang buwan. At kapag nakita niyo kung ano yung nawawalang parte na yun, makakabalik kayo rito sa paraiso at magiging isang ganap na anghel."
BINABASA MO ANG
BLACK ANGEL
FanfictionThey're angels, real angels. Sila ang mga anghel na nahulog mula sa langit. Sila yung mga anghel na hindi pa pwedeng mabigyan ng pakpak para maging tunay na anghel. Ang mission nila ay hanapin ang nawawalang parte sa buhay nila. Pero magagawa ba nil...