Part 4

79 6 0
                                    

URIEL POV


"Black Angels, there are only four black angels exist. Bago sila tuluyang nabalot sa kadiliman, they are pure white angels. Nandito na sila noon pa sa paraiso as a guardian pero hindi sila hinayaan na makapunta sa lupa para magbantay."


"Bakit? Bakit hindi sila hinayaan na makapunta sa lupa kung guardian angel man sila?" tanong ko kay Michael. Kinwento ko kasi sa kanya yung nangyari kanina. I even told him na natamaan ko yung isang black angel na may kulay green na buhok at dahil sabi niya hindi ko siya kayang pagalingin ay, hinayaan ko nalang.


Hindi ko naman pinipilit ang isang bagay kung ayaw talaga. Kaso noong tatanungin ko na siya, isa lang ang sinagot niya.


"Tanungin mo si Michael kung gusto mo malaman."



Kaya ayun, pinakawalan ko yung black angel na yun at bumalik ulit sa paraiso para makausap si Michael.


"We're still monitoring them for a longest time kung bakit hindi pa rin sila makapunta sa highest level ng paraiso. Hanggang rito parin sila sa lowest level na para lamang sa mga bagong anghel na kakaakyat lang mula sa lupa." Tumigil siya tapos umiling. "Kahit pa nabigyan na sila ng pakpak, hindi parin nila kayang makaakyat sa taas kagaya ng iba at kagaya natin."


Napapaisip ako. Naalala ko yun. Naalala ko ang apat na anghel na hindi makaakyat sa taas kahit nabigyan na sila ng mga pakpak at kahit inatasan sila bilang guardian angel, hindi rin sila pwede makapunta sa lupa.


Hindi ko sila masyadong nakakausap dahil busy ako sa ibang tungkulin ko. Kaya siguro hindi ko rin napansin ang pagkawala nila.


Pero anong nangyari? Paano sila naging black angels?




Jennie POV



"Lisa, kaya ba natin sila?" tanong ko kay Lisa. Napapalibutan kami ngayon ng hindi ko mabilang na gangsters. Kilala ko ang iba sa kanila dahil nakakalaban ko sila sa mga gang fight na nasalihan ko pero mukhang hindi nila ako namumukhaan at wala akong plano na mamukhaan nila dahil baka mas maging panganib yung sitwasyon namin ngayon.


2 vs a hundreds gangster or so? No way. Hindi ata namin kaya to. Lugi kami lalo na may dala silang baseball bat lahat.


"Hindi naman natin sila kelangan kayanin lahat, we just need to fight to escape. That's the plan." napatingin ako sa kanya.


"Yun lang yun?" mahinang tanong ko. Hindi siya tumingin sa akin. Doon lang siya nakatingin sa mga gangsters na papalapit na talaga sa kinatatayuan namin.


Nasa may tunnel nga kami. Both sides ay may mga gangster na pumapasok papunta sa direksyon namin. Hindi ko alam na may gang fight ba rito or what. Baka kami pala ang puntirya ng dalawang grupo.

BLACK ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon