Summer Vacation

23 4 0
                                    

 ( Sa isang resort  kasama ang mga kaibigan ko na sina Shane, Janella, Mae, JC,  Geoff at ang couple sa barkada na sina Lucky at Star, magsisimula ang lahat. )

  Kasalukuyang tinatahak namin ang daan papuntang Subic para sa summer vacation naming magtotropa sa isang resort na ang pangalan ay "Camayan Beach Resort". Iisang van lang ang sinasakyan namin. Nakaayos kami ng ganto:
(Bags)
(Lucky and Star)
(Mae and Janella)
(Few more bags, Shane, Ako)
(JC) (Geoff)<-Driver

"Macy, may dala kang sunblock? Naiwan ko yung akin e." tanong sakin ni Shane.

"Oo meron nandyan sa may mint green na bag yung nag iisang tube dun. Sunblock yon." sabi ko naman sa kanya.

"Naks agang pagsa sunblock bes. Excited na excited ha samantalang yung couple dito sa likod ayun borlogs pa o." sabat naman ni Mae habang kumakain ng chips.

"Wag ka, nabasa ko kasi na dapat maaga ipahid yung sunblock para iabsorb na ng skin para mas effective." pag eexplain ni Shane.

  Naramdaman ko na unti unting bumabagal ang takbo ng sasakyan at parang nagpapark na sa isang malaking malaking parking space.

"Tama na yan girls. Nandito na tayo!" sabi ni JC na excited na excited.

Bigla naman akong napaangat sa pagkakaupo ko at napatingin sa labas. Nae-excite din talaga ako dahil ngayon palang ako nakarating ng Subic at sa isang parang liblib pero magandang resort. Hindi mukang nakakatakot yung paligid kasi parang updated naman sa technologies yung resort.

Nagbabaan na kami dala ang gamit namin. Tinulungan ako ni JC sa mga bitbit ko dahil sobrang dami kong dala. Natawa pa nga sila kasi parang di na daw ako uuwi sa dami ng bitbit ko. Pero wala naman silang magagawa dahil in case na kulang kulang nanaman gamit nila may mahihiraman sila. Girl Scout lang ang peg no!

  Napansin ko na dalawa ang entrance. Doon kami sa may nakalagay na "For checked in customers only."

"Uy Macy! May pogi dun oh! Ayun sa may rock formations o! Pati dun sa may diving board." kalabit sakin ni Janella.

"Saan? Saan? Hahahahaha! Nako! Eto yung nakakaexcite kapag nagbabakasyon e." paghaharutan namin ni Janella.

Bigla namang sumingit si Geoff sabay sabing "Macy, behave ka naman. Magagalit nyan si JC."

  Napatingin naman ako kay Geoff ng masama. Si JC kasi kababata ko yun. Lagi kaming magkasama. Ang sabi sabi may nagke care daw sakin si JC. Nagke care din naman ako sa kanya. Kaso sabi nila ibang level daw ng Care yung kay JC. Daig pang PH Care. Luh!

"Heh! Wag mo ngang inaano si JC at Macy." pambabawal naman nina Shane at Mae.

"Lah! Selos naman kayo agad. Ako na lang kasi girls." patuloy na pagbibiro ni Geoff.

"Nako guys hindi yan ang pinunta natin dito. Let's have some fun. Gusto nating mag-relax diba? Dali na sa room! Diba Star?" sabi ni Lucky habang niyayakap yakap si Star na tinutulak naman siya palayo.

  Dalawang room ang kinuha namin. Syempre yung isa saming girls tapos yung isa sa boys. Syemore no! Di namin hahayaang may kung anong mangyari kasi patay kaming lahat sa tatay ni Star. Baka pag uwi namin pasabugan kami sa ulo nun.

"Oh girls, jak en poy tayo! Pero bago tayo maglaro ipapasilip ko muna itong rooms sa inyo." sabi ni Lucky na game na game.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuwentuhan Tayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon