CHAPTER 14: Happy Birthday Chad!

51 1 0
                                    

Maaga pa lang ay nakaayos na ako. Suot ko ang dress at pumps na pinadala ni Evan. Naka bun ang buhok ko sa bahagyang tuktok at nag iwan ako ng katamtamang kapal ng buhok lebel ng aking panga sa magkabilang panig ng aking mukha.

I admire the taste. Or maybe its me that gave the dress, justice?

Maaga pa nung nakareceive ako ng text mula kay Evan na nagsasabing hindi niya ako masusundo. I filter a little disappointment pero naisip kong baka busy siya. Ayos lang naman, atleast he's considerate enough to inform me. Kesa naghintay ako sa wala.

Nakisabay ako kay Kate papuntang venue. Naging maaga naman siya dahil excited daw siya sa party. Isang deep vneck white top ang suot niya na tinernuhan ng black floral skater's skirt at black Valentino stiletto. Naka high ponytail ang buhok niya na may natural curls sa dulo.

Sa likod ng mansyon ang exact venue ng party. Pag dating namin sa mansyon ng mga Guevarra ay sobrang abala ang lahat. Mula kusina hanggang pool side ay paroo't parito ang mga maids at houseboy ng mansyon.

"Oh naayos na ba ang mga mesa? Ang mga centerpiece, nailagay na bang lahat?" rinig kong sunodsunod na tanong ni Nana Suling sa mga kasambahay.

Babatiin ko sana si Nana pero may nauna sa akin.

"Nana!" pasigaw na salubong ni Kate dito galing sa likod ko.

Nilunok ko na lang tuloy ang isisigaw ko din sanang pagbati kay Nana. Pfft!

"Ay mabuti naman at nandito na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Little. Sige at ipapatawag ko. Pero bago iyon samahan niyo muna ako sa kusina." si Nana Suling habang bumabati kami ng halik sa kanya.

Little ang tawag ni Nana Suling at ng tito Bronson kay Chaze. Si Nana Suling ang kauna unahang kasambahay nina tito Bronson noong bagong kasal pa lang sila ni tita Chona. Siya na din ang nagpalaki at nag alaga sa magkakapatid especially nung nawala na si tita Chona. Kilalang kilala niya ang mga ito pati na rin kami nina Kate at Jez for we have been pals since knee high.

"Wow! Titikim po ba kami ng mga luto mo Nana?" may halong palakpak pa ako sa tinanong.

Isa sa mga paborito kong luto ay ang mga luto ni Nana. Lakas maka 'feel at home' e.

"Hindi, paghuhugasin ko kayo ng plato." anitong nakapagpalaki ng mata ni Kate. "Biro lang. Oo, pero hindi ko luto. Luto nung bagong kusinero. Baka pumalpak e, alam nyo naman nagtitiwala ako sa panlasa nyong mga dakilang matatakaw." dagdag nito na hinaluan ng malakas na tawa.

Natawa naman din ako dahil totoo ang sinabi niya. Tuwing matitikman namin ang luto niya ay hindi namin mapigilan ang paglunod sa kanya sa papuri. Ang sabi niya naman ay matatakaw lang daw kami kaya kami nasarapan. GRABI SYA B3H.

"Woooh! Akala ko naman Nana totoong you'll make us wash the dishes e, ang ganda pa naman ng ayos ko tapos maghuhugas lang pala ako ng plato?" si Kate na nanunulis pa ang nguso.

Parehas kaming natawa ni Nana sa reaksyon niya. Tss. Si Kate ka nga talaga...

Dumako na kami sa kusina pero bago iyon ay may inutusan muna si Nana na magpaalam kay Chaze na nandito na kami. Mahusay ang pagkakaluto sa bawat putaheng ihahain mamaya. The chef behind must have accustomed a lot in this job. I imagine myself prasing him like how I do it with Nana.

Maya maya pa'y bumaba na si Chaze para daluhan kami. She's wearing a plain black, longsleeve dress na hapit sa baywang. The over all dress perfectly embraces her good posture.

"Where's J? Mag uumpisa na pero wala pa din siya. She's not really a buzzer beater or a last minute person." kagaya ko ay hindi na din naiwasan ni Kate ang magtaka.

Slaving For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon