CHAPTER 11: The Best

51 1 1
                                    

Napadpad kami sa isang sea food restau sa loob lang ng mall.

Dito pinili ni Chaze dahil mahilig talaga siya sa sea food specials.

Nung una ay ayaw kong pumayag. Hindi ko sinabi ang dahilan pero dahil kaibigan ko sila, isang tingin lang nila sa akin alam kong alam nila ang tumatakbo sa isipan ko.

Pumasok kaming lima sa restaurant na sobrang pamilyar ako. Hindi ko maiwasang mawala sa kundisyon dahil sa mga alaalang naiwan dito na ngayon ay tila sapilitan kong binabalikan.

Katulad ni Chaze ay mahilig din si Von sa Sea Foods. Madalas kami dito dahil paborito nya ang best seller nilang mexican fish tacos at personalize cooked lobsters dito.

Halos kilala na si Von ng mga empleyado at mga manager dito dahil sa sobrang dalas namin noon dito. At isa sa mga nagustuhan kong quality ni Von ay yung pagiging pala kaibigan nya sa mga employee ng restaurant na ito. Masiyahin siya pag magkasama kami tuwing kakain dito kaya madali syang narerecognize ng mga tao sa restau.

Ganoon naman sya kahit kanino wag lang sa mga mukhang tatagos ang paningin sa akin. Siya lang ang makikipag mabutihan at ako ay babakuran nya sa mga gustong makipagkaibigan sa akin. Lalo na't lalaki.

Naging okay lang naman sakin ang ganoong set up dahil bulag pa ako sa paniniwalang mahal nya ako at ayaw niyang maagawan siya ng atensyon. At isa pa, bulag din ako sa paniniwalang mahal na mahal ko sya at tanging siya lang ay sapat na.

Ganoon talaga siguro pag nagmamahal, ano? Mabubulag ka. Lahat ng positibo papaniwalaan mo.

Pero ang totoo.. sa sobrang palakaibigan niya, naging normal nya na yata makipag make out kahit may girlfriend sya. Tangina lang.. At marahil kaya nya ako binabakuran sa mga nagiging kaibigan nya ay natatakot siyang malaman ko ang secret affair nya. Tss. Mababaw na uri ng pagmamahal.

"Hi Maam Lei. Long time no see! Ang tagal nyo pong hindi napadpad dito." Nakangiting bati ng isang service attendant sa akin.

Naalala ko ang server na ito. Isa sya sa regular na nagtetake ng order namin ni Von dahil sa galing nya sa customer relation. Jolly siya at approachable kaya madali nya kaming naging loyal customer.

"Kamusta Trisha! Grabe isang taon na yata ng huli akong kumain dito." Sinikap kong pasiglahin ang aking tono kahit mabigat ang aking nararamdaman.

"Masaya akong makita kang muli, Maam. Hindi nyo po ba kasama si Sir Von?" Masiglang tanong nya.

Napawi ang ngiti ko sa tanong nya pero sinikap ko itong sagutin. "N-no. Im with my friends." Pinilit ko muling ngumiti.

Mabuti nalang at hindi na sya nagtanong pa. Umorder na ako pati na din ang mga kasama ko.

Nilingon ko si Evan at nasilayan ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Nasa tabi ko siya at sa harap namin ang tatlo. Katapat ni Evan si Jez katabi nito si Chaze at sunod ay si Kate.

Nakapwesto kami sa malaking mesa na katapat ay two seater table na nakadikit sa glass wall ng establisimento. The table is available. That used to be our favorite spot. Mula sa kinauupuan ko ay matatanaw sa kabilang parte ng glass window ang fountain na may iba't ibang kulay na lalong nakapagpapaganda sa tanawin.

Madilim na sa labas pero marami pa din ang mga taong naglalabas pasok sa mga boutiques at department stores.

"Huy, Lei!"

Nakatitig ako sa fountain ng kumaway sa mukha ko ang kamay ni Chaze na kanina pa yata kinukuha ang atensyon ko.

Hindi ko na nagawang pansinin ang mga nasa paligid ko dahil sa lubos na pagbabalik tanaw sa nakaraan. I should stop this, i know.

Slaving For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon