Chapter 3

0 0 0
                                    

Maaga na naman akong nagising. Nagtungo muna ako sa isang coffee shop. Umupo ako sa isang tabi malapit sa window glass.

Iniisip ko muli yung kahapon at nung isang gabi. Pagkatapos kong maubos ang coffee ay nagtungo na ako sa paaralan. Dumiretso na agad ako sa room. Ako pa lang naman ang tao kaya umidlip muna ako.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang malakas na hangin na nagmumula sa bintana. Naalimpungatan ako at tuluyan akong napatayo. Tinanaw ko ang bintana at nakakita ako ng babae na nakatayo sa labas. Sa likod ng aming paaralan. Nagtataka ako kung sino at ano ang ginagawa nya dun? Lumapit pa ako upang makita ko ng maayos kung sino ang babaeng yun. Mahaba ang kanyang mga buhok. Lumakad siya palayo at tumingin sa akin. Duguan ang kanyang mga mata at pawang humihingi ito ng tulong. Akmang tatalon na ako upang tulungan ang babae ay may biglang humawak sakin sa likuran...

'Kurt!' Hinawakan nya ang balikat ko
Agad naman akong napatunghay at tiningnan ang humawak sa balikat ko. Nanaginip lang pala ako. Masyadong napahaba ang tulog ko. Nandito na lahat ang mga kaklase ko pati ang guro namin.

'Ayos ka lang ba?'
Tumango ako bilang pagtugon. Naramdaman kona lang na tumutulo ang mga pawis ko. Agad ko naman itong pinunasan ng panyo ko. Maya maya pa ay natapos na ang klase.

'Hai' Bati sakin ng kaklase kong babae. Maganda sya. Kakaiba sa lahat ng mga babae sa classroom na ito. Mahaba ang mga buhok na mapula-pula. Bagsak ito at yun ang nagdala sa kagandahan nya. Magandang magdala ng damit pero simple paring tingnan.

'Hello' tugon ko
'Bago kaba dito?'
'Oo e, ikaw ba?
'Hindi. Anong pangalan mo?'
'I'm Kurt Eniego Rivas' inabot ko ang kamay ko
'Alexandra Villamore' pakilala nya
'Cool name.'

Natapos ang pag-uusap namin at magkasabay kaming naglalakad papunta sa next class.

'Sige dito nako' paalam nya
'Sige nice to meet you Alexandra'
'Nice to meet you too Kurt
Alex na lang itawag mo'(>_<)

Pumasok na sya sa class nya at ako naman ay patuloy paring naglalakad at iniisip ang sumagi sa panaginip ko kanina. Yung babaeng mahaba ang buhok ay parang nakita kona.-_-

Malabo paring mangyare yun.

GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon