Lisa's POV
Dahil sa sobra akong excited sa sasabihin sa akin ni Raymond ay madali kong tinapos yung pinapagawa ng head sa akin. Pagkatapos ko ngang tapusin di na ako nagdalawang isip na pumunta kaagad sa lift pababasa lobby.
Habang nasa lift ako di ko maiwasang isipin na "Siguro sasabihin din niya na gusto niya ako?" or "May surprise siguro siya sa akin kaya sa lobby niya ako gustong makausap." EH!!! Kinikilig naman ako!! Ayoko din naman na mag-expect ng sobrang taas!! Ay ewan!!
Paglabas ko sa lift, ewan ko ba sa sarili ko pero, tinignan ko yung buong paligid nagbabaka-sakaling may surprise sa akin si Raymond. Pero wala eh. Nakatago kaya or wala talaga? Okay lang naman kung wala eh, di naman ako magarbong babae or maarte man lang. Basta gusto niya ako, ok na yun diba? hihihihi!!!! Kinikilig tuloy ako sa idea na kaming dalawa!!!!
Naglalakad na ako papalapit sa gawi ni Raymond na nakatalikod sa akin. Agad ko siyang kinalabit para makuha ko ang atensyon niya.
"Oh!! Nandito ka na pala!! May sasabihin nga pala ako sa iyo--"
"Hep!! pwede bang ako muna? ang tagal ko na kasi dapat tong sinabi eh, sobrang saglit lang to and napaka-importante nito. Okay lang ba?" tuloy tuloy na sabi ko.
Nag-nod naman si Raymond kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras. Aamin na ako.
"Mahal kita. I mean gustong-gusto." seryoso kong sabi na ikinalaki ng mata niya.
Did I say something wrong? Parang yung itsura niya kasi sinasabi na 'hindi to pwede' kaya napakunot noo talaga ako.
Habang tahimik kaming nakatingin sa isa't isa. May isang labi nalang ang basta bastang dumampi sa pisngi ni Raymond. Pagtingin niya sa taong humalik sa kanya yung confused na mukha niya parang biglang naglaho at napaltan na parang nakakita siya ng anghel sa harapan niya.
Sinundan ko ng tingin si Raymond at halos mapasigaw na ako sa kinatatayuan ko.
Ang bestfriend ko........at si Raymond. Ang sakit, sobrang sakit.
"Hi bestfriend!! Nasabi na ba ni Raymond sayo na kami na? Sorry hindi ko kaagad nasabi, ayaw kasi ipagsabi ni Raymond eh."
"Hi-hindi. Okay lang, ano ka ba!! Kailan pa?"
"Last week lang eh." nakangiti na sabi ni Raymond. Like.....shete!! I looked like a fool right now!!!
"Uy!! Raymond baka seryosohin mo talaga yung sinabi ko sayo ngayon ngayon lang ah!! Joke lang ulit yun!!!" sabi ko at tsaka tumawa ng bitter.
WTF. Sila na pala.......ni hindi ko man lang napansin. Ang sakit pero eto yung realidad. Realidad na kailangan kong harapin at tanggapin.
-----------------------------------------------------------------
Doctor Raymond on the multimedia!!
Like it? Vote it!!!
Thank you guys. Ulit. Short story lang this. <3<3<3<3

YOU ARE READING
A Thousand kisses
Short StoryWhen you thought, this relationship was just a fling. Then suddenly, it can turn someone into a human.