Bash's P.O.V
Patungo ako ngayon ng stock room ng Engineering Department, Doon kasi nakalagay ang ibang materials na gagamitin at kakailanganin sa booth namin this Business week... Ganito kapag President, nasa sayo ang responsibilidad sa mga ganitong event
Nasa 4th floor ang stock room, at nasa 3rd floor na ako..Sana nga lang di mabibigat ang materials, para di ako mahirapan magdala pababa..wala pa namang elevator..Kasi nag o-operate lang kapag Mondays to Fridays yun.
"Ui!!!!!!".
"Ai, Butiking pumalakpak.."..Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Hahahaha, Kailan pa pumalakpak ang butiki?..Hahahaha..Eh di nahulog na yun sa dingding.."..Tatawa- tawa pa niyang sabi..
"Sira!..Ba't ba kasi nanggugulat ka?"..Hawak hawak ko pa rin dibdib ko...Magugulatin kasi talaga ako..
"Relax..Sorry, kung nagulat kita.."..Nyek..Nagpout pa siya..Pero gwapo pa rin..Gwapo naman talaga siya, kahit naman sinong babaeng makakita sa kanya, ganun din ang sasabihin.
"Hay, naku..Sige Okay na.."..Sabi ko na umi-iling pa.
"Talaga?"..Para siyang bata..Akalain niyo may ganitong side pala si List..
"Oo, Sige..Una na ako.."..Paalam ko sa kanya.
"Wait.."..Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay ko, bilang pagpigil sa akin..
"B-Bakit?"..Tanong ko.
"Saan ka papunta?."..Kunot noong tanong niya.
"S-Sa stock room ng department niyo.."..Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.
"Bakit?"..Tanong niya ulit..
"M-May kukunin akong materyales doon, kasi gagawa kami ng booth.."..Paliwanag ko..Pero di pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Nagpaalam ka na ba sa President ng Department namin?"..Ba't ba ang dami niyang tanong..
"S-Si Hunter...A-ang nagpa-alam..Ang alam ko okay na raw.."..
"Tayo na nga, sasamahan kita.."..Bigla tuloy ako na-ilang.."Di mo yun kakayaning mag-isa.."..At mas lalo pa akong na-ilang ng akbayan niya ako sa balikat, at naglakad kami ng sabay.
"Sinabihan ako ni Hunt kahapon na manghihiram kayo ng materials sa amin.."..Kampante niyang sabi,..Siguro siya ang nagpapayag sa Presidente na pahiramin kami..Pero na-iilang kasi talaga ako, sobra.at alam kong nararamdaman niya nana-iilang ako.. "Masanay ka na, ganito talaga ako sa gusto ko..".
"G-Gusto?"..Takang tanong ko..Ayaw ko pong mag-assume.
"Gustong maging kaibigan.."..Ahhhh..Sabi ko nga..Hehehe..Cute at gwapo si List, pero di ako na-aatract sa kanya..Mabait din siya, Pang bestfriend na lalake ang dating niya sa akin.
"Ahhh..Lakas mo pala sa President nuh?..Biruin mo, Napapayag mo siya na manghiram kami ng gamit sa inyo?"..Marahil nga babae yun, na may crush sa kanya.
Kasi kung may Hunter kami sa BSBA..May List naman sa Engineering..
"Di naman masyado..Konti lang..".
Ngumiti na lang ako sa kanya..
List's P.O.V
Ako na ang nagbukas ng pinto sa stock room..
Inihanda ko na rin kahapon ang mga materyales... Ako ang President sa department namin eh, kaya alam ko..Ayaw ko lang sabihin kay Bash, Baka sabihin niyang mayabang ako.
BINABASA MO ANG
Classmate In Bed
RomanceOn going sa pag eedit Let us say that love do exist, but not all times between the two people who are in a relationship, there is love.. It must be lust?? Am I right??? Hmm.. Maybe?? But what if not only love or lust is the option?? What if there is...