Chapter 2

11 1 0
                                    

"Hoy angelica! mag-igib ka nga ng tubig dyan, maglalaro pa kami ni ismay ng tong-its eh!"

"Wheeyt lhaaang" matamlay kong sagot saad talukbong ulit ng kumot.

Tapos may naramdaman naman akong pumingot saken.

"Aray!! aray!!" tapos binitawan na ni mama yung paghawak nya sa tenga ko. 

"Ikaw bata ka! ang tamad tamad mo!! dali na, at mag-igib ka na!! putrages! mahuhuli na ako sa laro namen eh!!"

"Oo na, oo na, letche" tapos bigla naman akong binatukan ng nanay ko.

"Letche mo mukha mo, gago kang bata ka ah! bwiset!" tapos umalis na sya.

"Tss, anong oras na ba?!" tapos hinanap ko yung luma naming wall clock

Yung wall clock kasi namin ay hindi nakasabit sa pader, nakakalat lang yun sa kung saan saan, kaya ang hirap hanapin kapag kailangan nang gamitin.

"Puta! asan na ba yung letcheng wall clock na yun?!" tapos nakita ko yung wall clock namin sa sofa namin na sira- sira at kita na yung kahoy sa loob.

"Ayon! nandyan ka lang pala eh!" tapos kinuha ko yung wall clock at tinignan ko yung oras. "tsk. 4:15 am palang pala!" eh 8 pa yung pasok namin eh.

Asan kaya yung tatay ko? nasa mga kumpare nya nanaman siguro at nakikipag-inuman. tapos yung nanay ko, ako pa inutusan mag-igib para lang makipaglaro ng tong its kasama nila ismay, nene at gloria! tapos yung ate melanie ko naman, nag-bebeauty sleep pa siguro yun. tss, paano kaya yun? eh wala namang beauty yun!

Lumabas na ako ng bahay na may dala-dalang dalawang malalaking timba, 

Oo, kaya ko yun! angas noh?!

Habang papunta ako sa poso sa may kabilang barangay, ay may sumigaw na lalaki malapit sakin.

"Wooh! ang ganda mo talaga maj!!" sigaw nung lalaking mukhang baliw.

"Heh! tangina! manahimik ka! hindi kita kilala." sigaw ko pabalik dun sa lalaking yun.

"Yan ang gusto ko sa babae! hahaha" sigaw pa nya, na dahilan ng pagtawa ng mga kaibigan nya.

"Weeeh? sapak gusto mo?!" tapos mas binilisan ko ang paglalakad ko. Nung maabot ko na yung poso ay pumila agad ako. buti nalang at konti lang ang nakapila.

Nung ako na yung mag-iigib ay bigla na namang sumulpot yung lalaki kanina, yung totoo. hindi ba nya ako lulubayan?!

"Hi maj! im Lee by the way, always at your service, beybeeh!" beybeeh?! yuck!!! kadiri naman tong manok na to!

"Heh! lumayas ka nga sa harap ko!" tapos ay parang lalo pa syang lumapit sa akin. kaya sinikmuraan ko na sya. "Aray!!" daing nya, hah! buti nga sa manok na yan!! :P

Tapos nag-igib na ako, at hinayaan ko na lang syang nakahandusay doon sa sahig. nung matapos na akong mag-igib ay umalis na agad ako habang natutulog pa sa sahig yung manok na lee na yun.

"Oy maria! dalian mo na, kailangan na ng ate mo yung tubig!" sabi ng nanay ko habang papasok ako sa loob ng bahay at sya naman ay nagsusugal kasama ng mga kaibigan nya. pagkapasok ko ng bahay " why are you so tagal ba?!" sigaw ng punyetang ate kong conyo.

"Bwiset ka! maghintay ka ah?! ako nag-igib nito! wala kang kwenta!" bwiset, nagpakahirap ako sa pagbubuhat nitong baldeng to at sa pagpapakahirap sa kakulitan ng manok na lee na yon, tapos eto lang sasalubong saken?! ang ate kong conyo?! wag na!

"Oh my goshness! where do you get the spirit to making sigaw on me?!" putspa! conyo na nga, mali mali pa english! banatan ko na to eh! dapat dito tinatali yung dila kasama nung dila nung lee na yun eh! ay putspa! kanina ko pa iniisip yung lee na yun ah! asdfghjk-----

My UpSideDown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon