Chapter2

80 7 6
                                    

Eli's POV

Pagkababa ko sa aking pink mini cooper, lahat ata ng taong nadaan sa akin nakatingin. Grabe!, ganoon ba talaga ako kagandang dyosa para tignan ng marimi? Hahaha!

Agad-agad akong pumasok ng Mall at tinext ang loka-loka kong bestfriend.

to Veronica Maldita:

Bruha!, nasaang lupalop kayo ng Mall?

Wala pang 15 sec. nagreply na siya agad. Ok, nasa tapat daw sila ng department store.

Pagkapunta ko dun ay nakita ko na ang aking mga naggagandahang baliw na bestfriends.

Si Micah Angela Ordoñez , Jennika Lei Villanueva at Veronica. Kung natatandaan nyo si Jennika at Micah, sila yung character sa ginagawa kong story kanina. Sa mga nagtataka, babae po talaga si Micah, babaeng bakla hahaha!. Crush ko nga yung kambal nyan eh... si Michael Angelo!.

" Buti na lang naisipan mo pang dumating matapos mo kaming paghintayin ng 30 minutes." pagtataray sa akin ni Jennika

" Filipino time dear, that's our nature." sabay beso ko sakanya. Kahit ganyan yang bestfriend ko na yan love ko yan! Loka-loka din yan eh. Pagkailangan mo ng tulong, hindi ka iiwan niyan.

" Kaimbyerna ka ahh, ang sakit na ng feet ko!" pag-iinarte sa akin ni Micah.

" Footspa lang katapat niyan, makapag-inarte ka naman." sabay beso din sa kanya.

" Come on na nga girls! gusto ko na manuod!" sabi ni Vero.

" Can't wait?" tanong Jennika.

" Oo! kasi maganda ako!" sagot ni Vero. Then sabay sabay kami tumawa.

Ganyan kami magbatian ng mga bestfriend ko kasi nga MAGAGANDA kami, angat lang talaga ako sa kanila.hahaha!

Then yon, dumiretcho na kami sa cinema, bumili ng ticket, popcorn at drinks tapos nanuod na kami. The Catching Fire!

After manuod, umalis na si Jennika kasi may date pa daw sila ng kanyang soon to be boyfriend.

Si Vero at Micah nagpafootspa. Ka-aarte hindi talaga kasi makaya yung 30 minutes na paghihintay sa akin kanina. Ako naman, eto shopping! lahat ng store pinapasukan. Titignan kung may mabibili. Pagkalabas ko sa isang store ng mga sapatos, may isang store na naka caught ng attention ko. Nakakatakot kasi yung itsura.

Pagkapasok ko sa loob non, medyo namangha naman ako kasi mga antique na bagay yung laman niya. May mga aparador, upuin, lamesa, salamin, kwintas, banga, hikaw at couple ring. Teka! yung couple ring, ang ganda!

Pag naging kami na ni Ian my loves  gusto ko yan ang ring namin. Mabili nga.

Kinuha ko na yung couple ring tapos dinala ko na doon sa counter na may nakapatong na bolang crystal. Inabot ko na yung couple ring dun sa i think cashier ata na mala madam Auring ang peg tapos tinanong ko kung magkano.

" Uhm, miss magkano po?" tanong ko sa cashier na mala madam Auring ang peg.

Tinignan niya yung couple ring tapos tumingin naman sa akin." 1,459.99" sagot niya sa akin.

Inabot ko na yung bayad at kinuha na yung couple ring.

Bago ako lumabas, nagsalita yung cashier na mala madam Auring ang peg at may sinabi sa akin na nakapag patigil sa akin sa paglalakad.

" May mangyayari sayo na hindi mo magugustuhan sa umpisa, pero siguradong ipapag pasalamat mo at ikakasaya mo nang sobra pagdating ng panahon."

-

Copyright © 2013 by ImNoOne

All Rights Reserved. No parts of this story can be reproduced or transmitted in any forms or by any means, electronic, machanical, including photocopying, recording or by any infromation strorage and retrieval system, without a written permission of the author, except where permitted by law.

That Guy Became Me???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon