/**maraming salamat po kay @only1bernaay para sa epic na cover haha **/
Noong unang panahon, sa ilalim ng malawak na karagatan, may naninirahang isang grupo ng mga isda. Masaya at mapayapa ang buhay nila sa karagatan. Pero adhil hindi naman isda ang bidang si DIng, ang istorya natin ay magsisimula sa kusina, kung saan magsisimula ang adventure ni Ding, isang hipon. . ..
Sa isang kusina, merong isang refrigirator. Sa refrigerator, may isang tupperware. Sa loob ng tupperware nandoon si Ding, kasama ang iba pang mga hipon na maya-maya lang ay ibabalot na sa bread crumbs at lulubog sa mainit na mantika.
"Mga kasama!!!" sigaw ni Ding, "ganito na lang ba? Papayag ba tayo na dito na lang matatapos ang lahat? Sa tiyan ng mga walang kwentang taong yan? Wala ba tayong gagawin? Kung hindi tayo kikilos, sinong kikilos? Kung hindi ngayon, kelan?" dagdag pa ni Ding. Noon pa man ay hindi niya pinangarap na maging laman ng kung sino-sinong tao lang, dahil ang pangarap niya ay ang mailuto at maihain sa Resort's World Manila. Kaya naman ganun na lamang ang pag-aalsa niya sa nangyayari.
"Meron akong plano mga kasama. Ang mga gustong sumama sa akin, itaas ang kamay!" sigaw niya.
"Ding!! Wala na tayong kamay. Tinanggal na nga kanina nung nilinis tayo diba?" tanong ng isa.
"Oo nga pala! tsk tsk" pagsang-ayon niya. "Edi sumigaw na lang ang mga sasama sa akin!"
-krooo- krooooo -krooooooo- (katahimikan sound effects yan -_- wag kang kumontra)
"Walang sasama? Ano ba 'yan mga kasama! Kailangan natin ipaglaban ang ating kalayaan! Hindi tayo dapat magpaalipin sa kung sino-sino lang. At bilang pag-aalsa, punitin natin ang ating mga sedula!" pamimilit ni Ding sa mga kasama.
"Ding wala nga tayong kamay! Pano natin pupunitin ang sedula?" tanong ng isa.
"Wala tayong pupunitin mga shunga!! Ano botante ka? May sedula?" pagtutol naman ng isa.
"Tanga Voter's ID kapag botante! -_- " sigaw ng isa.
At nagkaroon ng kanya-kanyang mga usapan ang mga nasa loob ng tupperware. Ang iba'y tungkol sa showbiz ang iba'y sa pulitika, sa pork barrel at sa typhoon Yolanda.
Umiingay na ang paligid ni Ding at hindi na siya makapag-isip.
--makalipas ang ilang minuto--
Naramdaman nilang bumubukas ang refrigerator. Sumunod na nangyari ay ang paggalaw ng tupperware na kanilang kinalalagyan. Ito na ba? The moment of truth? Iluluto na ba sila?
"Sayonara mina-san! Hinding-hindi ko malilimutan ang mga pinagsamahan natin!" pagda drama ng isa. Tss drama boy
"Anong pinagsamahan? 10 minuto pa lang tayo dito sa ref, may pinagsamahan na agad?" pagtanggi ng isa.
"At tsaka kung makapag japanese ka ha? Tama ba grammar mo?" sabi pa ng isa.
"Heh! mgiging tempura ako kaya kailangan kong matutong mag japanese" sagot ni drama boy.
Napa face-palm na lang si Ding kahit wala na siyang kamay ( O.O Pano nangyari yun?)
Unti-unting bumukas ang tupperware.
"Tabi! Tabi kayo! Ako ang uuna! Ipapakita ko sa inyo na magiging tempura ang Tempura ako!" sabi ni drama boy.
Tumabi naman sila at napunta sa ibabaw si drama boy.
"Ay!! Bakit may nakasamang maliit dito?" sabi ng chef. "Dapat sa pancit to!" sabay kuha kay drama boy.
"Awtsu!!! bakit hindi ako tempura? Dapat pala tagalog na lang pamamaalam ko! Sa pancit lang pala ako mapupunta" maluha luhang sabi ni drama boy.
"hoy!! Pang chinese ata ang pancit. Dapat Chinese inaral mo!" sigaw ng isa bago pa tuluyang mailagay ng cook sa pancit ang kaawa awang hipon na walang ibang ginusto kundi ang mging isang tempura.
Bumalik na ang chef at tsaka kumuha ng mga hipon. Ilulubog sa itlog, ibabalot sa bread crumbs at palulutangin sa kumukulong mantika. Nagsisimula na siyang mag deep fry!!!
--makalipas ang ilang minuto--si Ding na ang hawak ng chef.
"Oh Diyos ko! Ano po bang kasamaan ang gin------" naputol ang sinasabi niya ng ilubog siya sa itlog. "(hingal) kasamaan ang ginawa ko para hindi ko matupad ang pang-------" naputol muli ang sinsasabi niya ng ibalot na siya sa bread crumbs. "(hingal) ang pangarap ko? Gusto ko lang namang ma i-serve sa Resort's World Manila!" At tuluyan na siyang naging golden brown with rough texture.
--
"And that's how you do a tempura." sabi ng chef.
"Bravo!! Bravo!! Bravo!!" sigaw ng isang babae. Teka ito ata yung nasa commercial eh!
"You can now taste the tempura. Our waiters will serve you my specialty." sabi ng chef.
"Yes! Yes! Yes!" sabi ng isang lalaki. Ito rin ata yung nasa commercial.
"Thank you for watching my show! Please watch other thrilling performances here at Resort's World Manila" pagtatapos ng chef sa kanyang show.
----
Sa huli natupad din pala ang pangarap ni Ding. Sayang nga lang at dahil niya nalaman na natupad pala ang pangarap.
--end--
BINABASA MO ANG
The Adventures of Ding
AléatoireHIndi po ito love story -_- Adventure nga diba? first time ko to kaya wag mag reklamo -_- yun lang ^_^V