Today is the day!
Busy ang lahat magprepare. Umagang umaga pa lang maingay at nagkakagulo na sila.
Simple lang ang bday ko, simpleng debut, cater, may mga 18 chuchu, pero di ganun kabongga.
Even yung mga classmates ko nung high school nandito na kahit malayo..
Hayyyyy. Ako na ata ang pinakamasaya ngayon,, pero..
"Huy, bat naman parang may hinihintay kang text o twag? Kanina mo pa chinecheck cellphone mo eh." Sabi sakin nung make up artist/friend ko.
Nandito na kase lahat bukod sa kanya.. Charot. Sa isip ko lang yan.
"Wala.."
Tas biglang pumasok yung kuya ko sa kwarto..
"Ano Iya, ready ka na? Wow. Ang ganda ng kapatid kooooo!""Tsss. Alam ko na yan matagal na. Sge. Tara na." Sabay tingin ulit sa phone and sighhhhhh. 😥
Naging maganda, masaya, at super enjoy ang debut ko hanggang umaga. Inuman to the max esp boys, kantahan, sayawan, kwentuhan.
Nagpunta din yung suitor ko from manila. Si Don. Dahil sa kanya, di ko naisip na di nagpunta sila Dennis.
Si Don, gwapo, matangkad, mabait, gentleman, at marunong makisama. Ang nakakainis dun, panay ang dikit sa kanya nila Eunice at Dane. Classmate ko nung highschool. Mga pa-cute. Tsss.
Nandun din si Enzo, ex-m.u.? Meron ba nun? Basta yun. Alam mo ba kung ano ang malala? Naglalandian lang naman sila nung classmate/closest/parang bestfriend ko ngayong college na si Sandra. Yes. Si Sandra. </3
Holding hands pa sila. Grabe. Di ko ma-take!!!Buti na lang nandito si Don. Kahit papano may nalilibang ako.. :)
"Iya, pahinga ka na.. Kami na ang bahala dito? Its already 7am. Di ka pa natutulog.." Sabi ni Reizel.
"Okay lang ako. Tulong muna ko mag ayos ayos, salamat sa tulong mag asikaso ha? Alam kong napagod ka din.." Sagot ko sa kanya.
"Wala yun, osya, ayusin ko lang yung chairs dun, wait.." Sabay alis nya.
Isa-isa na din silang nagsi-uwian. At yung kwarto ko, isang malaking, HELL. Tambak ang damit, mga regalo, gulo ang kama, mga hanger na nagkalat, sapatos at sandals.. Myghadddddd!
Pero isa lang ang hinanap ko..
Ang cellphone ko..
"Gotcha!"
Pagtingin ko, Shemay! 82 messages? O_____O
Puro bday greetings syempre at thank you ng mga nagpunta.
Pero may isang text ang nangibabaw.
From: Dennis
Hi Iya, goodmorning! Sorry hindi kami nakapunta nila Andrei at Victor. :( Wala kasi akong kasama pag pumunta ko since di ko pa gaano kaclose classmates natin sa PE, sila Andrei kasi may ginawang project overnight. Sorry... Happy birthday!
To: Dennis
Naku! Nakakatampo kayo. :(
After nun, natulog na ko at nagpahinga..
Happy birthday to me. Hmm..