PE CLASS

8 0 0
                                        

"Knock. Knock. Sis, di ka pa ba tapos? Sa baba na lang kita hintayin ha. Bilisan mo, 9 na. Baka malate tayo at papunta na din si Mang Toby."

OMG! As in. Seriously? 9am na? Bakit ang bilis o mabagal lang talaga ako kumilos? Fvck. -____- Sumagot ako..

 "Oo sis. Sunod na ko. Wait lang. Hehehe. Sorry.."

Nagmadali ako magbihis at magpaganda, di ko na naligpit yung higaan ko. Mamaya na lang. V^___^V

Tumakbo na ko pababa dala yung bagpack ko, naka-PE uniform, rubber shoes at naka-I.D. Since PE class namin later. ayan! Mukhang disenteng estudyante na ko. Lol.

"Tara. Sorry nalate ako gising. Heheheh. Nasanay eh." sabi ko sa pinsan ko.

"Okay lang, oh? ayan na pala si Mang Toby eh. Tara!"

By the way, yan si Riezel Gonzales. Classmate slash dormate ko. American beauty yan. 17 years old. Marami yang lalaki. Joke.. Maraming manliligaw pero isa lang talaga mahal nyan kaso, naghiwalay na sila one year ago? Asdfghjk. Another story na pala yun. hahahah. Classmate kami since first year college. At kaming dalawa lang ang magkasama dito sa apartment. Saya no? :D 

At ako nga pala si Sophia Sy. 17 years old. 2nd year college student. Play girl. Di naman totally play girl. Takot lang akong masaktan kaya laro-laro lang ako pagdating sa love. ;) Kung si Reizel ay may American beauty, ako naman "daw" Japanese beauty. Sabi nila. Hahahaha.

Yung bahay namin is 15 minutes away from school. Tricycle lang sasakyan, pwedeng lakarin kaso late na nga kami. Sana di kami matraffic. XD

Almost two weeks na may pasok pero di pa din ako sanay gumising ng maaga. -_____-

- SCHOOL -

Di naman kami nalate kanina. kasabay namin dumating yung prof eh. Hahahah. Swerte pa. Naka 2 subject na kami. and PE na lang ngayong 11pm. may 15 mins pa kami kaya nagpunta na kami sa Gym.

- GYM -

Busy ako magtext. Yun lang libangan ko eh. Hahaha. Yung mga kaklase ko, busy magdaldalan. Bute na lang wala kami sa room kundi mabibingi ka sa kaingayan. Open naman tong gym ng school pero covered naman.  And by the way, pang twice na meeting na namin ngayon with Mr. Clemente sa PE class na Volleyball. and for me, okay lang kase medyo kasundo ko naman yung volleyball. medyo lang.  :)

"Goodafternoon class!" Ayan na pala si Oh-So-Very-Religious-Instuctor namin. Hehehe.

"Goodafternoon Sir!" sagot ng mga kaklase ko. Wala akong pakialam sa kanya. Lol.

"Today, may madadagdag daw sa inyo na new enrollees. Sabe sa office iba daw course nila. Nasan sila?"

"Sir, baka late lang po." Sabi ni Classmate 1.

Mayamaya..

May dumating na 6 male students. Pero ako, si text lang wala akong paki sa kanila. hahaha.

"Iya. Look. ang pogi nung isa oh!" Sabi ni Riza

Ako naman tinignan ko sila at hinanap yung "pogi" daw.

Isang tingin.. tas text ulit.

"Nakita mo?" tanong ni Riza

"Bulag na ata ako." Sabe ko.

"Iya naman eh!" Sigaw nya.

"Wag ka maingay! Oo. Nakita ko. Tss. Anong gusto mong gawin ko?" Asar kong sabi..

"Crush mo din?" Aba lokong to.

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko. Naiirita ako sa kaingayan netong babaeng to.

"Iya. Tara. First six tayo. kakalabanin natin yung mga new students." Aya sakin ni Reizel.

"sige. Wait lang. magbbye muna ko sa mga fans ko." Biro kong sabi.

Yung mga fans ko, yun yung mga katext ko. Wahahahaah!

Dalidali kong tinanggal yung relo ko at bumaba ng bleacher at nagpunta sa court.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Putek. bakit ako kinakabahan? Anong meron sayo Iya!" isip isip ko..

"Focus!" Dagdag ko pa.

Natapos yung game at kung anu ano lang pinagawa samin nung prof namin. Boring. Pero kabado ako. Yung feeling ko. Iba. Di ko maexplain bakit ganun.. Psh. Wareber.  Wag na lang isipin! Tama!

"Iya! Tara, bihis tayo par makauwi na." sabe ni Sandra

"Okay, kunin ko lang bag ko." Sabay takbo.. "tara!"

Habang papunta kami sa cr, syempre madadaanan namin yung cr ng boys tas lumabas yung 2 new students tas..

"Hello." sabi nung sila Kuya 1 at Kuya 2

"Hi." pacute na sabe ni Sandra. ako tahimik lang.

"Pwede ba namin malaman yung number nyo para may contact kami sa section nyo incase lang mawalan tayo ng klase para alam namin?" Tanong ni Kuya 2

"okay lang naman." Sabi ni Sandra..

"Brad. Save mo na sa Cellphone mo, wala akong dala eh." sabi ni Kuya 2 kay Kuya 1

"nako. nasa bag ko din yung akin." sagot ni Kuya 1

"ganto na lang. ikaw na lang Sandra magsave ng number nila." suggestion ko.

"Di ko dala cellphone ko eh. Heheheeh. Ikaw na lang. Alam kong di mo maiiwan cellphone mo." Sagot ni Sandra.

"Ano pa ba magagawa ko?" Sabay tingin kila Kuya 1 & 2. "Number?" Dagdag ko.

"09*********" Sabe ni Kuya 2.

"Pangalan mo Kuya?" Tanong ko.

"Dennis" sagot nya.

"Okay na." Sabi ko.

"By the way, Siya nga pala si Iya at ako naman si Sandra." Singit ni Sandra.

"Ako naman si Jonathan at siya naman si Dennis." Sagot ni Kuya 1 na si Jonathan pala.

"Sige, mauna na kami. Hinihintay na nila tayo. Salamat sa inyo." Sabe ni Dennis. "Babye!" Dagdag pa nila.

Naglakad na sila palayo at dumeretso naman kami ni Sandra sa CR.

"Grabe. Ang pogi nya!" Sabe ni Sandra.

Deadma lang ako.

"ang pogi ni Dennis no?" Tanong nya sakin.

"Siya yung crush ni Riza. Kanina pa sakin tinuturo." Sabe ko.

"Oh? Matalas talaga mata nun pagdating sa mga gwapo." Sagot nya.

"Kayo talaga.. tara na!" aya ko.

"Sige." Sagot nya..

- END OF CHAPTER 1 -

EQUATION OF LOVEWhere stories live. Discover now