I FELL IN LOVE WITH A NINJA
1 | ichi | いち
JAPAN. Isang napakagandang lugar. Sa kabila ng modernong pamumuhay at advanced na teknolohiya dito, kitang-kita at mararamdaman mo parin ang kultura at tradisyon ng bansa. Ito ang rason kung bakit bumalik si Rico sa bansang sinilangan niya.
Grabe, daming nagbago. Teka, diba wala pa yan non? May playground jan nun eh! Eto pang isang building na to, bahay to ng kaklase ko nun, tapos ngayon kompanya na? Ahy grabee, Japan pa ba to?!
Napakaraming nasa isip ni Rico habang pinagmamaneho niya ang sarili papunta sa condo unit niya sa Kaizen kung saan siya pansamantalang titira hanggang sa matapos ang bakasyon.
Kakagaling palang niya sa airport. Sinundo siya ng chauffeur niya ngunit nagpumilit siyang ipagmaneho ang sarili niya. Gusto niyang mag-isang lasapin ang bansang kinagisnan.
Now, he's driving his black Maybach Exelero in the middle of a busy street. An 8 million dollar German luxury sports car, a 700 hp (522 kW) two-seater with a twin turbo V12 engine na agad niyang papalitan bukas na bukas din ng isang sasakyang hindi masyadong makaagaw pansin.
Maraming tao at sasakyan sa paligid. Matataas at matatayog na mga buildings ang nakapalibot. Malinis, malamig . Isang typical na Japan.
Patuloy siyang sumulyap sa paligid habang pasimpleng tinitingnan ang phone niya sa harap kung saan naka view ang Google Maps para hindi siya maligaw.
Sa isang kanto, may nakita siyang isang fruit stand na malapit-lapit sa kalsada. Maraming tao ang naglalakad sa sidewalk na yun kaya't hindi masyadong klaro ang babaeng nasa mid 40s na nagtitinda ng mga tradisyonal na prutas.
Yun! Yun ang unang-unang kakainin ko dito!
Nagpark siya ilang metros ang layo mula sa fruit stand.
Bumaba siya ng sasakyan at lumapit dun sa nagtitinda para bumili ng Dekopon at Akebi, mga prutas na paborito niya nung kabataan.
"Hi? Can I buy a pack of these . . . and these?"
"Hai, douzo" sagot nung tindera kahit walang naintindihan sa sinabi niya habang iniaabot ang pinili niyang prutas.
Nginitian niya lang ito habang kumukuha ng pambayad.
"Doko no shusshin desu ka?" (Where are you from?) tanong nung tindera nang mapansin na alien siya sa lugar na yun kahit mahahalata namang Hapon siya.
"P-po? Uh-uhhh uhm, Sumimasen?"
"Hahaha! Anata wa nihongo wo hanashimasu ka?" (Do you speak Japanese?)
"E-eh?"
"Hahahaha! Japanese . . . do you speak?" pilit na nag english ang tindera.
"Ah . . . hehehe. Su . . . uhhh . . . sukoshi d-dake" (Just a little) sagot niya habang sumesenyas gamit ang mga daliri.
"Kokowa suki ni narimashita ka?" (Do you like it here?)
Ay naku, kung anu-ano na namang pinagsasabi ng tinderang to.
Pilit na tinatandaan ni Rico ang mga salitang nihonggong pinag-aralan niya sa eroplano nang papunta pa siya dito. Naalala niya ang mga salitang yun pero nakalimutan na niya kung anong ibig sabihin.
"Tanjyoubi omedetou gozaimasu!" (Happy Birthday!) ang tanging isinagot niya.
"HAHAHAHA!" natawa nalang ang tindera.
May mali ba sa sinabi ko? Tsk, baka ito . . .
"Akemashite omedetou gozaimasu!" (Happy New Year!)
BINABASA MO ANG
I Fell in Love with a Ninja
Teen Fiction[ON GOING AND ACTIVE SERIES] Rico Tanaka, A Japanese-Filipino by blood returns to Japan for the very first time after almost eighteen years to embrace his Japanese culture. However, on his very first day, he bumps into a lovely girl with a very irre...