alas dyes na ng umaga ng magising ako. Mabigat at mugto ang aking mga mata. Heto na naman, panibagong araw na hindi ko alam kung anong mangyayari saming dalawa.
Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kisame ng maisipan kung pumunta sa banyo at mag hilamos at gawin ang routine ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, ako ba talaga to? tsk! Maitim na ang gilid saking mata at para na akong chinese neto! ang laki ng eyebags. Bahala nato, tatadtarin na naman ako ng tanong neto ni kuya! Kesyo nag away na naman ba daw ka--- oo nga pala. Nag away kami :3!
Unti unting bumabalik saking isipan ang kaganapan kagabi. May namumuo na naman butil ng luha sa aking mga mata. Bakit? Bakit? nya nasabi yun? wala na ba talaga akong halaga sa kanya?
"Skie? Mahal mo pa ba ako?" tanong ko sa aking sarili na naktingin sa salamin. Pinahid ko ang luhang umagos at kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero nasa bedside table ko pala yun nilagay kay lumabas ako ng banyo at kinuha yun.
Nagulat ako ng may 99+ yun na Mesage at 56 missed calls. kaya tinype ko ang password at binasa ang message. Halos lahat galing kay Heaven, kapatid ni Skie.
from: Heaven
ate, si kuya na aksidente. Papunta sana sya sa inyo kaso nabangga yung kotse nya ng truck.
10:25 P.Mfrom: Heaven
ATE! asan ka ba? ba't di mo sinasagot ang tawag ko.
10:52 P.Mfrom: Heaven
ate! si kuya skie :(
10:55 P.Mfrom: Heaven
ate, pumunta ka dito sa hospital
11:01 P.Mfrom: Heaven
ate. hinahanap ka ni kuya. asan ka na? ate, sagutin mo tawag ko! Pleasssseeee.
11:22 P.Mfrom: Heaven
ate, nirerevive na ng doctor si Kuya!!!!!!! ATE!!!!!! pumunta kana dito. Ate, ikaw yung hinahanap ni kuya!!!!!!
11:55from: Heaven
wala na siya. wala na si kuya Skie.
12:48Tuluyan na akong humagulhol. SKIE? bakit? bat mo ko iniwan.
"Summer? ba't ka umiiyak?" iniluwa ng pinto si kuya na halatang bagong ligo pa.
"k--kuya. si S-kie! wala na!
BINABASA MO ANG
REGRETS
Teen FictionSa buhay ng tao, may mga bagay na nawawala. Minsan may bumabalik pero kadalasan hindi na. Ika nga nila, 'pag may nawala may darating na higit pa sa kanya.' pero paano kung ang bumalik ay ang taong todo kang sinaktan NOON pero nangangakong magbabago...