Fangirling VII

190 25 1
                                    

"Hey girls!
Lumapit saamin si mccoy kasama ang babaeng nagpapanggap na maris.
"Riva, Barbie, Sammie  Nikki and uhm wait this is so awkward Maris meet another maris, Nah just call her mariskie hehe :)"
"Hi maris!"
Bati ng girls.
"Omg mccoy kilala mo kami?"
-Barbie
"Bobita ka talaga pagkatapos mong ipa personalize tong mga suot nating damit magtataka ka kung bat nya alam ang mga pangalan natin"
-Riva
"Oops sorry hehe"
Nagtawanan ang girls.
At ako, wala wala akong maramdaman.

[ Outside the studio ]

"Hahahahahahaha! Maris ang galing mo rin e no, Joker ka pala beh? Hahahahahaha!"
-Riva
"Riva stop, bunganga mo talaga napaka. Itikom mo yan"
-Nikki
"Hahaha kasi tong si maris e may lahing joker LT talaga mga beh! Hahahaha! May nalalaman pang Sa resort nila sa palawan sila unang nagkita at nagkakilala ni mccoy e isa rin naman pala syang nagpapanggap hahaha pak yung kwento mo maris napaniwala mo kami! Apir naman tayo dyan!"
Bahagya ng itaas ni Riva ang kamay nya ng bigla akong tumakbo papalayo sa kanila...

"Maris!"
-Sammie
"Hey maris where are you going!?"
-Barbie
"Look what you've done riva!"
-Nikki

Tumakbo ako.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.. Wala akong paki alam sa paligid ko, sa mga nababangga kong tao hanggang sa umulan at sinabayan nito ang bawat patak ng mga luha ko ...
Bakit mo nagawa sakin to Loiskie :'(((((
Kaya mo napaniwala si mccoy na ikaw ako dahil ikaw lang ang taong napagsabihan ko ng lahat tungkol saamin, bat mo ako trinaydor anong nagawa kong mali sayo?!
Nanginginig ako sa galit at awa sa sarili ko, nalamangan nanaman ako ni Loisa...
Noon pa man sya na lagi ang bida nasa kanya lahat ng oras atensyon kaibigan at pati mommy ko mas gusto sya kesa saakin na sariling anak, pero pinabayaan ko lang yon pinagbigyan ko sya pinaubaya ko sa kanya lahat yon dahil bestfriend ko sya, para ko na syang kapatid at mahal na mahal ko sya, pero bakit pati si mccoy? Hindi ko maintindihan >:'(((
Kaya ba lately lagi syang wala sa kanila, hindi ko sya makausap at ang cold nya sakin. Buong tiwala ko nasa kanya, paano nya nagawa ito.

Pag dilat ko ng mga mata ko nasa tabi ko si Mommy, at andito rin si manolo at ang mommy nyang si tita Karylle.
"Mommy"
"Anak, buti naman gising ka na. Magpahinga ka lang muna dyan ha ikukuha kita ng tubig"

Lumabas si mommy sa kwarto ko kasama si tita karylle.

"Manolo bat nandito ka?"
"Nakita kita sa daan, walang malay at basang basa sa ulan, Anong nangyari maris?"

Pilit kong inalala ang mga nangyari, hindi lang pakiramdam ko ang masama sakin pati ang loob ko sobrang sikip ng dibdib ko.
Di ko napansin ang luhang unti unting bumabagsak mula sa mga mata ko.

"Nak ito oh, kumain ka narin para mainom mo itong gamot mo nandito kanina yung doktor mo sabi nya masyado ka daw nagpapagod, anak bawal sayo yun dapat iniingatan mo ang sarili mo"
"Mommy sorry po"

Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko, kailangan kong maging matapang sa harap ng mommy ko.

"Anak ano ba talagang nangyari? Dinala ka ni manolo rito kanina ng wala ka ng malay buti nga't si manolo ang nakakita sayo, anak masyado mong pinag alala si mommy"
Nakita ko ang pag-aalala sa mata ng mommy ko, niyakap ko sya at nagsorry ulit.

Bago umuwi si manolo tinanong ko sya kung nasaan si loisa, sabi nya hindi pa daw umuuwi sa kanila at tinext naman na nya ito tungkol sa kalagayan ko pero hindi ito nag reply.

Wow yung bestfriend ko nawalan na ng paki alam sakin?

*DINGGG DINGG*

"Anak ako na magbubukas ng gate ituloy mo na yang pagkain mo"
"Sige po mommy."

"Anak may bisita ka :)"
"Lois--
"Girl! Whaaa namiss ka namin huhu nabalitaan namin nangyari sayooo"

Akala ko si Loisa na, ang mga dyosa pala. Wala na ba talaga syang paki alam sakin?!

"Girls sorry kanina kung tinakbuhan ko kayo ha"
Pagpapaliwanag ko.

"Maris..."
Lumapit sakin si Riva at hinawakan ang kamay ko.

"Uy beh :( Sorry sa nangyari kanina, sa mga pinagsasabi ko eh alam ko naman ako minsan wala talaga kong kontrol sa kaka dada sorryyy"
Sincere naman si Riva sa pag hingi nya ng tawad kaya nginitian ko sya at niyakap.

"Wala yun, okay lang ano ka ba :)"

"Hoy riva anong minsan walang kontrol pinagsasabi mo dyan!? Gaga lagi kang walang kontrol!"
-Barbie

Hahahaha! Baliw talaga tong mga babaeng to, pasalamat narin ako na nandito sila. Kahit papaano gumagaan pakiramdam ko.

Si Loisa? Di ko na aasahang dadating pa sya...

"Oh pano ba yan girl, sa susunod kapag may problema magsasabi samin ha? Hindi yung tatakbuhan mo kami  fangirls kami hindi kami runner hahaha"
-Sammie

"Uuwi na kami masyado ng gabi saka nalang natin ituloy ing chikahan na to, get well okay?"
-Barbie

"When are you going back?"
Malungkot kong tanong sa kanila, alam ko naman pag alis ng mga kaibigan kong 'to malungkot nanaman lalo na't kami nalang dito ni mommy sa bahay.
"Kapag magaling ka na girl para ready na ulit makipagsiksikan sa maraming tao makita lang si babe mccoy hihi!"
-Riva

"Haha mga baliw talaga kayo, sige na ingat kayo ha Nikki ingat sa pag da-drive. Bye girls!"

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan nila bago ako pumasok ng bahay.
Pagpasok ko ng gate nakaramdam ako ng katahimikan, nakakalungkot.
Wala na nga yung mga maiingay kong kaibigan, wala pa si Loisa.
Buong gabi ko inisip kung saan ba ako nag kulang para gawin nya to sakin.
Sinilip ko ang phone ko bago ako tuluyang matulog.

7 messages from MANOLO
- Mariskie?
- Mariskie kamusta na pakiramdam mo?
- Kumain ka na ba?
- May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang ha, I'll buy you something to eat.
- Marisss busy ka ba?
- Answer my calls please
- Nag aalala ako sayo, pahinga ka okay? Yung sabi ng doktor mo susundin mo.
- Goodnight maris. I love you.

Habang alalang alala sakin si Manolo, Yung kapatid nya ni anino hindi ko man lang nakita.

The Monster                          FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon