[TPOG 5) Endearment; Coco Jam

139 28 43
                                    

"There's an element of tongue-in-check in every one of our songs. Walking of into the sunset, holding hands, and being married forever was not exactly a brand new idea." 

                                                                         -Peter Noone-



Op..op, op, op, ooooop! Kanina pa ako na-o-op dito sa sofa, nakaupo... ah teka! Ano nga ano bang meaning ng OP? Eh ko lang yung word na OP sa mga fb friends ko na halos lahat na ng newsfeeds ko'y kanya na e', 'Boredom! Boredom ang maghapon ko! Nyetang kalabaw! *insert emojis here*'  


Hay naku...


Ini-strecth ko ang magkabilang braso ko, para naman maialas ang kanina pang nag-a-alborotong ulo ko dahil sa boysit na Raiven. Punyemas nyemas talaga. 


Kanina pa tanong ng tanong si mama na bakit daw naging kami. Hayss... kahit di naman, fake. sagot naman ni Raiven, nung nag-PE period daw namin ay habang natatakbo daw ako ay bigla-bigla na lang daw akong natisod sa maliit na bato (punyemas na batong yun!) tapos na cute-an daw sya sakin.


Ehhh?!! 


BOYSIT! BOYSIT NAMAN OH! Naalala ko tuloy iyung moment na yun, boysit na maliit na batong yun! Badtrip talaga si Raiven, kahit ano pinagsasabi. Kaasar!


Para syang bagyo na nagdudulot ng malakas na ula't hangin with matching super lakas na malas tapos ako ang napiling malasin ng bagyong nangangalan ay Raiven! Kainis! Liar ka Raiven! Liar! Quatang-quata na ko!


Isa pa si kuya na ang tanong niya'y kung bakit daw sya na cute-an sakin, gaga syempre cute ako, kahit hindi naman daw ako cute. Che! Ang ganda ko kaya no'! Tumawa na lang si Raiven pati iyung kasama nyang tatlo.


Aba't, talagang may kasama pa sya. Kala ko kasi kaninang nakanta sya ng Holy night ay wala syang kasama bukod pa sa gitara niya, meron pala, tatlo pa. B-bulag n-na a-ta ako?!! Waaahh! Joka, joka lang. Hehe. Peace. VV


Yung kambal nama'y nandito rin, sabi kasi ni mama sa kambal kanina lang ay pag lumaki sila'y gan'to ang gawin nila sa babaeng nasisinta nila. Pinagsasabi. Hayysss.. =_=


Kwento sila ng kwento habang ako nama'y kaninang-kanina pa na-O-OP! 


Hala! Yung Bubble frosty pati yung fries ko! O' my gulay!! Baka nakuna't nalasaw na... Huhuhu. 


Boysit kasi na Raiven na yan eh, dahil sakanya, sabi ni mama na pumunta na ko dun at wag nang dalhin pagkain ko. Nakakahiya daw. Eh? Mas nakakahiya pa nga sa mga pagkain ko ang iwan ko sila no! Magtampo pa sila nyan eh! Huhuhu.


"Sige po aalis na po kami." Saad ni Raiven, saka tumaya kasama ang tatlo nyang kasama. Di ko alam pangngalan ng tatlo eh. Hindi nya naman kasi pinakilala. Kasalan ko ba? Hindi syempre!


Tumayo din sila mama at kuya, "Ayyy. Hindi nyo na kakainin to anak?" Wow! At kailan nya pa naging anak si Raiven? Wow.

The Playboy's Otaku Girl (She's Unofficially Mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon