[TPOG 4] Cinderella not Chakarella

133 39 42
                                    

"A rose can never be a sunflower, and a sunflower can never be a rose. All flowers are beautiful in their own way, and that's like woman too.''

                                                                                 -Miranda Kerr





"Coco Jam do you miss me?" He smirk with his guitar.


The hell is he here?!


Napanganga na lamang ako ng makita sya pala ang kumakanta, mag-isa lang sya pero may  kasama sya guitara nya, nakasakbit sakanyang likuran. G*go! Nababaliw na ba sya, at bakit kailangan nya pang pumunta samin saka kumanta ng dapat ay pag Christmas lang naririnig?! G*go talaga. 


*inhale*


*exhale*


*inhale*


Baka masuntok ko sya. Relax lang Zyra...


"Zyie/Ate/Zyra!!!" 


Bigla akong napa-lingon sa mga sumisigaw, si mama, sila Zyko at Zydo (kambal kong kapatid), at si----


"Kuya!" Sa hindi inaasahan ay napasigaw ako. Si K-kuya Z-zyrel na-nandi-to pala.. paktay... Paanooo? Paaaanooo? Nandinig ba nila--Ni kuya iyung pinagsasabi ni Raiven---Double paktay.


"Boyfriend mo yun ate?" Naka-kunot-noong tanong ni Zydo. Si Zydo ang matapang keasa kay Zyko. Maypagkakaiba din sila, mas brusko si Zydo kay Zyko.


"Ate." Dissapoint na sabi ni Zyko. 


Whhhy?!


"Hoy Zyra, sino yun?!" Asar na tanong ni kuya.. with matching  pakita ng fist. Huhuhu, bakit kasi sya pumunta rito? Kaasar naman oh!


Hindi ako makasagot sa mga tanong nilang apat. Ano ba dapat ang isagot ko? Eh wala naman akong alam jan sa kalokohan niyang Raiven na yan! Kung kayang hambulusin ko ang mukha nya? Echos lang! Baka sagunut-sagunutin, bugbugin at higit sa lahat baka mapatay ako ng mga babae't fan girls nya. Tsk playboy. May fan girls pa, di naman famous. Feeling lang nya. 


"Zyieee bakit hindi mo kaagad sinabi sakin? Zyiee naman e, independent ka na." Parang naging bata muli si mama. Hay naku =_=


*Insert face palm here*


*And here*


*And here*


Eh?? Ano naman sasabihin ko kay mama? Wala naman akng tinatagong sikreto ah. Tsaka hindi pa ako independent... slight lang. Hehehe.


"Ate papapasukin na namin si kuya. Boyfriend mo ha." Sabi ng kambal sabay alis ng kwarto.


Wow. Di ko naman sya boyfriend ah! Wow. Leche flan Raiven! Leche flan!


"Ayiee! Botong-boto ako sakanya kesa dun sa pinagpapantsyahan mong si Grey  ng Fairy Tail."


Mama naman eh! Tapos na kaya ang 'Election 2016' no'!


"Basta siguraduhin lang nung lalaking yun na hindi ka nya lolokohin ha?" Mahinahong sambit ni kuya tsaka lumabas na ng kwarto ko.


Hayyyssss...p-paano ko ba sasabihin yung totoo? Pano ko ba sasabihin sakanila na hindi ko naman boyfriend si Raiven? Paano ko ba sasabihin na---


"Zyiee, may boyfriend na ang Unica hija ko!" Sigaw ni mama na parang bata with matching patalon-talon pa, habang papaalis ng kwarto ko. =_=


Sana naman hindi nya ipagsabi o ipagkalat na may boyfriend na ako, kahit wala naman, sa kapitbahay. Mama talaga.


Mag-isa nalang ako sa kwarto.


"BWAHAHAHAHAHAHA!" Tumatawa si kuya?? Ang lakas naman. Bakit kaya? 


"Zyra bumaba ka na jan, hinihintay ka na ni Raiven!"


Kahit ganayan si kuya, mahal ko parin yan. Mana kay papa e'.


Baba kaya ako? Kahit naman may taglay na balat sa pwet si Raiven kaya minamalas ako ngayon, ay may manner din ako no'! Tinura sakin yun ni mama. 'Mannerism prohibited' yan lagi pinapaalala saming apat na magkakapatid ni mama.


(A/N: Kahit wala namang balat sa pwet si Raiven, gawa-gawa lang ni Zyie- I mean Zyra yun. PS: Di nya nakita ang pwet ni Raiven kahit si Author. Basta walang balat sa pwet si Raiven! Okaaay? Okay!)


"Ate Zyra hinhintay ka na ni kuya Raiven!" Boses ng kambal.


No choice, kaya bumaba na si Cinderella. Echos lang! Chakarella lang ang feslak ko. Haha. Not funny.


~to be continued~


This chapter content is dedicated to you ateng! U da best author kahit silent reader lang aketch sa story mong Hunter of Artemis; All my heart. Hehe. Enjoy! <3

-ElishaScarlet-

The Playboy's Otaku Girl (She's Unofficially Mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon