Right Here Beside Me
KathNiel Fan Fiction
"Being Yours Was Never Easy"
All Rights Reserved 2013
_____________________________________________________________________________
I see you beside me but it was only dream and I wish that someday it will come true . . . .
_____________________________________________________________________________
Chapter 1
Kathryn's POV
Kasalukuyan akong nanonood ng Movie ngayon ng mag isa. Wala kasi akong magawang iba. Hindi ko naman pwedeng iyaya ang mga friends ko dahil busy silang lahat kaya sinolo ko na lang ang TV ngayon.
"Mahal kita Haley. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hindi iyon totoo. They don't have hard evide--"
"Ano?! HARD EVIDENCE?! Hindi pa ba sapat iyon?! Sapat na iyon Ron. CCTV's don't lie! Oh for pete's sake! Nagsasawa ka na ba sa akin?! Huh?! Kaya ka lumingon sa iba, Ron?! Ano?! Hindi ka makasagot?!
"..."
"ANO RON?! AN--"
"OH! JUST SHUT UP HALEY! HINDI KA BA NANINIWALA SA AKIN HUH?! WE LASTED FOR ONE YEAR AND FOUR MONTHS. ASAN NA IYONG TRUST MO SA AKIN?!"
"*smirk*Trust? Haha. I know, we lasted for 16 months pero ang trust ko sayo putol na. Nabitawan ko na. And please, huwag ka nang magpapakita sa akin Ron. Goodbye."
"Haley, NO! NO! Huwag mo tong gawin sa akin. Please. Give me another chance. PLEASE HALEY! PLEASE. I LOVE YOU! HALEEEEEEEEEEEEEEEEEEEY! MAHAL KITA! HUWAG MO AKONG IWAN!"
*tok*tok*tok*
"Ma'am tawag na po kayo ng mommy niyo. Kain na ho daw kayo ng dinner"Sabi ni yaya sa pintuan.
"Ah. Oo po. Lalabas na po."Bago ako bumaba nag ayos muna ako. Nanghilamos, nagsuklay at pababa na ako papuntang kitchen."Good evening po mommy!"Bati ko kay mommy sabay wave ng kamay.
"O-oh sweetie. Na-nandiyan ka na pa-pala. T-tara, let's eat na."Sabi ni mama with her fake smile at umupo ako sa tabi ni mommy.
"Ah. Mommy, Ok lang ho ba kayo? Ano po ang problem niyo? Bakit kayo matamlay?"
"A-anak, ililipat kita ng school. Dahil parang napansin kong hindi ka nag excel sa academic subjects mo. Sorry sweetie, but I have to do this. This is for your own good"Sabay hawak sa right hand ko.
"Ano ka ba mommy. Okay lang po. Basta kung ano ang magpapasaya sa iyo, gagawin ko ho. Mahal po kita mommy!"I hugged mommy and kissed her in the cheek.
"Sure ka anak? Baka malungkot ka dahil magkahiwalay kayo ng school ng iyong mga friends."
"Sus. Ang maghanap ng kaibigan ang pinaka simple sa lahat mommy. Okay lang po iyan. Makakakita din ako ng mga new friends ko dun. Huwag po kayong mag alala. Ako pa. Isa akong BERNARDO at ang mga Bernardo ay mababait, magaganda at etc."Nagtawanan na lang kami ni mommy dito. Kahit may konting lungkot, kakayanin ko dahil mahal ko si mommy.
"Oh siya. Text your friends na maghangout kayo baka mamiss niyo ang isa't isa. Bumili ka na rin ng mga gamit mo para sa school."
"Mommy, ano ho ba ang name ng school na papasukan ko?"
"Uhm. . . Ano nga iyon?. . . . Pedi. . . Padi. . .Padillo? Hindi. Uhm . . . Padilla. Padilla University."
"Okay ma. I'll just text them na magkita kami sa mall bukas"At ayun ti next ko silang tatlo
To: Sis Julia, Sis Kiray, Sis Yen, BroNeil, Bro Diego, Bro Ej
Guys. Kita tayo bukas sa **** Mall. Doon nalang sa foodcourt magkita. 1 in the afternoon. May sasabihin ako sa inyo. IMPORTANTE.
*send*
After din mga ilang minutes nagreply sila, sabay sabay. Planado? Thankful din ako dahil pupunta daw silang lahat bukas. Whooow!
-MALL-
Naghihintay ako ngayon sa foodcourt.
Tinignan ko ang oras at hindi ko alam 12:10 pa pala. So naglakad lakad muna ako sa mall. Labas-Pasok sa mga stores.
Pumasok ako sa isang dress store, WOW! Grabe ang cute ng mga designs! Kaso, hanggang tingin lang ako dahil hindi ako naka dala ng money. Wawa ako ngayon. :'(((
Pagkatapos kong pinagmasdan ang mga dress sa store ay nagplano na akong bumalik sa foodcourt at baka nandoon na silang lahat.
Pagdating ko sa foodcourt ay napansin kong nandoon na silang lahat. Linapitan ko sila, SYEMPRE, kakausapin ko sila noh!
"Nasan ka galing? Alam mo ba ano nang oras?"Taray na sabi ni Kiray. Tinignan ko silang lahat, mga mukhang walang ka expression.
"Wait, tignan ko muna."Tinignan ko ang aking relo."The time is. . . 2:30. Okay. . . Ano?! 2:30. OMG. Sorry guys. May binili lang kasi ako eh, sorry na please."Nagpout ako. This is my signature move. Hehe
"Sige na nga. Your'e too cute para tanggihan. Oh, ano pala ang gusto mong sabihin sa amin Kath? Ano ba itong IMPORTANTE na you're talking about?"Tanong ni Sis Julia.
"Ipa lecture niyo ako? Ano tingin niyo sa akin? Teacher. Pwede niyo naman akong paupuin ah! Tampo ako sa inyo"Nagpout na naman ako.
"Bahala ka diyan, ikaw nga tong na late eh. Pssh! Meron ka pang pa IMPORTANTE-IMPORTANTE diyan! Diyan ka na nga!!" Inis na sabi ni Diego. Tumayo na sila sa kanilang kinaupuan ngunit pinigilan ko sila.
Ito talaga si Diegs! Always galit after sa break-up nila ng girlfriend niya. 'Di pa siguro naka move-on. Haay! Miss ko na ang dating Diegs!
"Uy! Ang daling magalit. Meron ka ba ngayon Diegs?"Asar na sabi ko.
*PAK*
"Aray Diegs! Joke lang. Tanong ko lang naman eh. Meron ka ba ngayon?"Parang sampalin na naman ako nitong lalakeng to ngunit naiwasan ko
"Hep! Upo na tayong lahat! Magusap na tayo para matapos nato. Go Kath. Makikinig kami."Sabi ni Sis Yen
"Ang IMPORTANTE na sinasabi ko sa inyo ay ang pag inform ko sa inyo na I will lipat to another school. Oh, iyan. Tapos."
"Sis, huwag na. Masaya ka na man na kasama kami, diba? Huwag ka na lang tumuloy. Please?"Pagmamakaawa ni sis Julia. Haay! Kung pwede lang. Ginagawa ko lang na man ito dahil kay mommy eh.
"Guys, just understand me. Ginagawa ko ito dahil mahal ko si mommy."Pagkatapos kong mag-lecture sa kanila ay nag-group hug kami. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao dito sa foodcourt dahil nag-iyakan kami, pero wala akong pake-alam sa kanila. OA na kung OA.
Pagkatapos ng aming drama ay nagsiuwian
Pagdating sa bahay dumeretso ako sa room ko at tinapon ang bag sa sahig at humiga sa kama at sa hindi katagalan ay nakatulog na ako.
_____________________________________________________________________________
Thanks po sa mga readers nito ! Sana po, tuloy ang support niyo sa RHBM . THANKS ulit .
Don't forget . .
Comment . . .
Vote . . .
- Ela <3
- yellowdiary26
BINABASA MO ANG
Right Here Beside Me [O N H O L D]
FanfictionKathNiel BernaDilla LOVE STORY guys! It's a product of my baliw imagination ^^ Maypagka-loko loko si Author eh. pagpasensyahan niyo na (^__^)V