Ep 4

37 2 4
                                    

~o~

-Tammy's P.O.V-

Hapong ng Biyernes at uuwi na ako. Sabik na sabik nga ako. Sa bahay na akong mag d-DVD, tsaka nagbabasakaling mas malinawan ako kapag nakausap ko si mama. Pero nang nahihintay ako sa waiting shed sa gilid ng University...

may text akong natanggap. Galing kay mama.

-

From: Mudra

TamTam! I did it! Pumunta ka sa Knox ad building. Almost done setting up the place!

-

Nandilat ang mga mata ko, tapos bigla akong napangiti. Nagawa na niya! I cant wait to see it! Nang may dumating na jeep pinara ko kahit puno na. I. Just. Can't. Wait.

~o~

Nakangisi akong pumasok sa space na binili namin sa building. Pero, hindi na lang 'to isang simpleng space na binili namin. This was it. This was the office. Office ni mama.

Vibrant tinginan yung waiting area ng mga cliente. Bright, may mga magagarang boque ang naka disenyo, may aquarium, Wedding pictures sa mga pader. Elegante. How the hell did we afford this?!

Lumabas si mama sa office niya at ngumiti sa akin.

"Ta-da! Whaddya think?! Eh? Eh?" sabi niya sa 'kin, ang bibig niya'y ngumiting nakanganga at taas-baba ang kilay niya.

Tumango-tango ako habang minamasdan ang lugar. "Good job." sagot ko at binigyan siya ng thumbs up.

Nagtataka siguro kayo kung anong trabaho ng mama ko. Dati free-lance photgrapher, kaso maliit lang ang sweldo kaya't inangat niya konti. Tapos naging wedding photographer, mas tumaas ang sweldo pero naisip rin niya na hindi pa rin 'yon sapat para sa magiging pamilya niya. Nang dumating si kuya, naisip niyang mag-aral ulit habang si dad ang

bahala sa kanila nung panahon na 'yon. Nang makapagtapos siya, dumating ako, umalis si dad, at naging wedding planner siya. Medyo mahirap nung umpisa pero heto na kami ngayon. Sixteen fucking years at nagkaroon na siya ng opisina and REAL business.

"Gusto kong makita ang office mo." sabi ko.

"O sige. Come on." aniya. Pumasok kami sa office niya. Minimalist ang theme, at kakaunti pa lang ang nasa loob. ag-aayos pa siguro siya. Umupo ako sa guesr seat sa harapan ng desk niya habang minamasid ang kapaligiran ko.

"I'm impressed." comment ko.

"Why thank you." sagot niya. "Tingin mo, pwede na bang top-of-the-line?"

"Siyempre naman. Galing mo kaya, mana sa 'kin." sabi ko sabay kindat.

"Engot ka ba? Yan ba ang pinag-aralan mo? Baliktad kaya." sagot niya at ginulong ang mga mata niya. Maldita. Umupo siya sa kanyang upuan at napangiti. "Excited na ako."

"Me too. So um, you didn't tell me Vince owns Clark now." sabi ko, nabigla si mama at napatingin sa akin.

"I didn't think it would be important honey." sagot niya with a sheepish smile.

"You also didn't tell me he and tita Ella married. Now that I've thought of it, I'm starting to remember bts and pieces of my childhood coming together, and I can see a face. Mga ninang, si dad, everyone. I remember your friend Ella's face."

"Wala na tayo do'n kung desisyon nilang magpakasal Tam." sagot ni mama.

"She looks like an unhappy trophy wife."

"Don't say that! Hindi mo alam."

"Okay okay! I met her son. I've met a lot of people actually..." sabi ko habang inaalala ang mga nakilala ko sa Uni.

Clueless: The Crush CourseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon