Happy Ending???

125 6 3
                                    

Panaginip lang ang lahat!!! Sayang, magkakalablayp na sana ako eh tsk.

Habang naliligo ako, naalala ko nanaman yung panaginip ko, lalo na si Alden. Totoo kaya siya? Existing kaya siya sa real world? O Sa panaginip lang siya nageexist?

February 13th ngayon, friday the 13th. Sabi daw nila malas kapag ganito, mukhang totoo nga (-_-)

Nagsusuklay na ako, ng biglang may tumawag

"Excuse me, Seksing maganda may tawag ka!"

"Excuse me, Seksing maganda may tawag ka!"

Si Rona!! Wow mukha atang magkakatotoo yung panaginip ko. YES!!!!!

Iia: Ano may Zombie na ba diyan?!

Excited na tanong ko

Rona: Anong pinagsasabi mo?! Adik ka na talaga, tigilan mo munang manood ng zombie zombie na yan.

Na-disappoint ako sa sinabi niya.. TSK. Paasaness

Rona: Papunta na ko san ka na?

Iia: Palabas pa lang sa bahay.

Rona: Sige, sabay na tayo pumasok.

At i-nend call na niya. SIGH. Sayang talaga. 

Nang nasa school na kami, tumambay muna kaming magbabarkada sa favorite tambayan namin. At don nagusap-usap.

Trixie: Ba't ganyan mukha mo? May sakit ka ba?

Kwinento ko sa kanila yung panaginip ko. Inasar lang nila ako.

Trixie: Uyyy, what if totoo siya? hahaha

Joan: Landiin mo na, pag ganun haha gusto mo bigyan pa kita ng tips eh.

Rona: Magkakakulay na ang madilim mong Valentine WHAHAHAHA

Madilim talaga ha. Ewan ko ba kung nang aasar ang mga 'to pero hihihi kinikilig ako, di lang halata (^^,)

Nang may nakita kaming isang grupo ng mga kalalakihan. Wait pamilyar 'tong mga 'to ha..

Iia: Tara na sa mga room na walang klase dun nalang tayo tumambay.

Pagyaya ko sa kanila. For sure kapag nakita nila yung mga yun aasarin ako ng mga 'to.

Rona: Ui, Iia tignan mo yun oh.. Di ba yun yung crush mo hahahahahaha

Patay, kung minamalas nga naman oh-oh

Mico: San dyan yung crush niya?

Trixie: Yung pinakamaliit dyan haha

Mico: Yung unano? HAHAHAHAHA Crush mo yun!!!!! Ikaw na talaga HAHAHA

ARRRRRRRRRRRGHHHHHH!!!!! Di ko naman talaga crush yun eh. Maniwala kayo sa 'kin kahit kayo nalang maniwala sa 'kin. HINDI KO TALAGA CRUSH YANG UNANO NA YAN. Nagkataon lang talaga na katabi niya yung tinuturo kong crush ko PROMISE. Tapos siya daw yung tinuturo ko sabi nila, PERO HINDI.HINDI.HINDI

Iia: Hindi ko yan crush ah. As if naman.

Rona: Denial HAHAHAHA

Sige tawa pa, Bwiset kayo!!!

Iia: Tara na nga.

Trixie: Hindi mo man lang tititigan yung crush mo. Tignan mo oh tumatawa pa siya hahahaha

Rona: Ui tumitingin sila dito ow!!! Pinaguusapan ka ata nila HAHAHA Mukhang crush ka din ng crush mo BWAHAHAHA

Kainis naman 'tong mga 'to eh, anlakas mang trip. Eh ano naman ngayon kung tumitingin sila dito. malay mo naman iba topic nila (-_-)

Whhhy?!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon