>>CHAPTER 1<<
12:00 midnight… nasa park ako at wala na ng tao ako nalang mag-isa… nang biglang…
*WOOSH!!!*
“AAAHHH!!!”
Biglang may nakakasilaw na liwanag ang gumulat sakin mula sa di kalayuan…
“Nakakasilaw… ano yun?”
Mula sa liwanag ay may na-aaninag ako na anino ng isang tao na nakahiga sa damuhan at akmang bumabangon…
*GULP!*
“Si-sino yan?!”
Hindi lang ito sumagot pero ng makatayo ito ay pilit na naglakad palapit sakin…
Palapit na siya…
Ng palapit…
Ng palapit…
Ng palapit…
NP: BRIGHTDOWN (Japanese song)
BY: Tamaki Nami
(Chorus)
Kirameita sekai tooi kioku wa
Miageta sora yume o yobiokosu
Hateshinai yoru ni deau keshiki wa
“Hmmm…”
Sugita hibi no kotae mo miezu
Konna ni mo tooku hanarete ite mo
Terasu hikari kimi ni tadoritsuku
Kiseki wa kanau haz—
*UNAT…*
*HIKAB….*
“Good Morning world! Umpisa na naman ng araw ko!” ^_^
Hi Im Shanaira Iris Velasquez, 20 yrs old and a student of St. John’s College. That’s right ”College”, isa na akong college student and take note graduating na me.
Siguro nagtataka kayo kung bakit isang Japanese song ang alarm ko? BRIGHTDOWN is one of the soundtracks of my favorite anime, marami din akong mga collectible items halos nga mapuno na nito ang kwarto ko and that’s I’m an otaku.
Inayos ko ang kwarto ko at pumunta ng kusina. Sinalubong naman ako ng masiyahing kong kapatid na si Abigail.
“Ate gud morning!” ^__^
“Gud Morning din, asan si Shin?”
“Ah wala na ate nauna na may aasikasuhin pa daw sa trabaho”
“Ganun ba sige, ano naman agahan”
“Fried Rice and Eggs! Ako nagluto” ^_^
“Sige”
Pumunta muna sa kusina si Abby, sa lamesa naabutan ko si Ark na nakatingin lang sa pagkain.
“Oh? Bakit di ka pa kumakain?”
“Ate tingnan mo…”
Tinuro niya yung nakahain sa lamesa. Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakikita. Sunog na Fried Eggs, yung Fried rice naman puro tutong at hulaan niyo kung ano ang halo? Sandamukal yung bawang may mga nakita pa akong mga butyl-butil ng paminta.
“Te tingin mo edible yan?”
“Wag naman tayong manghusga agad baka di naman siya kasing sama ng itsura.”
“Sana nga ate…”
Bumalik na si Abby galling ng kusina at sabay-sabay na kaming kumain.
*HIKS!*