>>CHAPTER 2<<
<Shanaira’s POV>
“Anak ng tinapa sino naman kaya ito?”
Matapos kong marecieve ay agad ko siyang nireplyan ng malaking who you
[TO: 0916*******]
WHO YOU PO???
[FROM: 0916*******]
Diba nga sabi ko makikilala mo ako kapag pumunta ka ng parking lot.
[TO: 0916*******]
Ano ako uto-uto baka mamaya saktan mo ako o kaya kidnapin .
[FROM: 0916*******]
Wag ka magalala kagaya nga nung unang text ko kanina, di ako masamang tao di kita sasaktan.
[TO: 0916*******]
Eh! Ayoko nga baka mamaya sabi mo lang yan tapos pagdating ko diyan upakan niyo na ako. Ganyan kaya mga usong modus operandi sa panahon natin.
[FROM: 0916*******]
Hahaha!!! Masyado ka palang secure freak.
[TO: 0916*******]
Aba natural meron pa akong dalawang kapatid na pinag-aaral.
Isa akong dakilang sinungaling. Tumigil muna ako saglit at nagpalit ng damit saka lumabas ng CR at nag abang sa isang waiting shed sa parking lot.
[FROM: 0916*******]
Hahaha ang sabihin mo takot ka lang… baka kasi siguro maliit yang katawan mo at takot ka na masaktan.
[TO: 0916*******]
Bah! Kapal naman ng mukha mo! Baka pagnagkita tayo matakot ka sakin.
Di naman kasi sa maliit ako pero actually matangkad ako, kasing height ko ang kakambal ko nasa 5:10 kaming parehas at kumpara naman kay Shin malakas ako nag-aaral ako ng taekwondo.
[FROM: 0916*******]
Talaga lang ah… hindi ka naman pala takot eh… bakit ayaw mong makipagkita?
[TO: 0916*******]
Natural baka mamaya mamatay tao ka, saka may dala ka pang patalim o kaya baril. Wala akong laban sa ganyan.
[FROM: 0916*******]
Eto lang ha… una sa lahat wala kang atraso sakin at pangalawa sa lahat kilalang kilalamo ako.
Hmmm… may point siya sa pagkakaalam ko wala naman akong atraso sa kahit sino.
[TO: 0916*******]
San ka ba naroroon?
[FROM: 0916*******]
Andto…
“Andito??? Saan???”
Nagulat ako ng piglang may nagtakip ng mata ko at dahilan para mabitawan ko ang phone ko.
“Sino ka?!” (sino ka= sinuka)
“Di ako sinuka iniri ako.”
Siniko ko siya sa gawing tyan dahilan para umaray siya at saka ko siya hinawakan sa leeg at ibinalibag.
“Aray… aray… aray… ka babae mong tao kaya mo ako ganyan ka na ba talaga kalakas?”
“Sino ka ba? Ano ka ba? Tao ka ba?”
“Di ba halatang tao ako saka di mo ako na-aalala?”
Hindi siya tumayo at nanatli lang na nakahiga sa sahig. Buti nalang walang tao sa paligid kundi baka mamaya isipin na ako pa ang may ginagawang masama…