Back To December

24 0 0
                                    

2 Years...

Pagkalipas ng 2 years...

Malungkot pa din ako.

Nagsisisi sa mga nangyari.

Nanghihinayang

At...

Nasasaktan...

Its been two years simula nung mangyari ang pinakapinagsisisihan kong pangyayari.

December 22...

Sabi nya pumunta ako sa park. Sabi nya may ipagtatapat sya. Sabi nya importante daw.

Pumunta ako at naabutan ko sya. 7:50 na nang makita ko sya. Nakayuko at mukhang ninenerbyos.

Lumapit ako. Tinabihan ko sya.

"Buti dumating ka."sabi nya.

"Bakit? Mukhang ninenerbyos ka yata?"sita ko sa kanya.

May nakita akong rosas sa likod nya.

"Para kanino yan?"tanong ko.

"Ahh oo nga pala. Para sayo." hindi yata normal na magbigay ang isang lalaki ng bulaklak sa bestfriend nyang babae. Nakakapagtaka naman.

Inabot ko ito. Baka maoffend kasi sya kung itatapon ko.

"Bestfriend,para saan to?"tanong ko na may pagtataka.

"W-Wala k-ka b-ba-bang n-na-n-nararamdaman?...S-Sa a-ak-akin?"napatingin ako sa kanya. Naguguluhan ako. Anong nararamdaman? Sa kanya?

"Best,anong tanong yan? May pinagdadaanan ka ba? O lasing ka lang?"normal kong tanong sa kanya.

"Meron. May pinagdadaanan ako. Mahirap magtake ng risk."nalalabuan talaga ako sa kanya.

"Ano?! Teka- Bakit mo ba ako pinapunta dito?"para matapos na kesa humaba pa ang kadramahan namin dito na walang paroroonan.

"Angelie...Mahal kita."mahal din naman kita...

"Yes alam ko yun no. Grabe kala ko kung ano na! Gosh tinakot mo ako ha. Mahal din naman kita as a friend eh."normal kong sabi. Friendzone talaga ang turing ko sa kanya.

Napakanormal ko lang pero sya... Si Mark... May sakit akong nakikita sa mga mata nya.

"Hanggang dun lang ba?"tanong nya.

"Hindi."nagliwanag ang mukha nya at parang may inaantay pang sasabihin ko.

"Syempre I love you as my Brother,as my bestfriend! Ikaw lang yung tumulong at dumamay sa akin nung nakipag-break sa akin yung ex ko. Ikaw lang yung nakatiis sa kadramahan ko. Ikaw lang yung unang nakakita sa akin umiyak maliban sa pamilya ko."niyakap ko sya. Pero may fluid akong naramdaman sa balikat ko.

"Teka umaambon ba?"tanong ko.

"Ahh *sniff* oo umaambon. Nakikiramay yung ulap." sabi nya. Umiiyak ba sya? Humiwalay ako sa yakap.

"Oh bakit ka umiiyak? Aalis kana ba? May namatay ba para makiramay yung ulap?"tanong ko.

"Oo eh. May nagsuicide eh. Tapos ayun durog yung puso."huh? Papaano madudurog ang puso? Eh diba muscle yun? Ano bang nangyayari?

"Huh? Anong joke yun?"tanong ko. Kung joke yun,waley.

"Nevermind. Wala na ba akong pag-asa?"tanong nya.

"Pag-asa saan? Haaay Mark,habang may buhay may pag-asa!"sabay ngiti ko sa kanya.

"Wala eh. Sige na alis na ako."sabi nya.

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon