Ang boring talaga ng buhay ko, parang cycle lang ang mga nangyayare sa akin.
Every weekdays, I wake up early in the morning para magluto, maligo, kumain at pumasok sa school tapos kung wala naman kaming school activities, it's either kumakain kami sa labas ng dalawa kong matalik na kaibigan, umuuwi agad sa bahay o dumiderecho ako sa office ni daddy.
Wala kaming maids, may pumupunta lang sa bahay na tagalinis at tagalaba pag weekdays. Kapag weekends naman, ako na ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Dalawa na lamang kami ni daddy, we don't have relatives here in the Philippines, lahat sila nag abroad. Ulila na rin si mommy bago pa man sila magpakasal ni dad.
My mom died when I was 5 years old, she died because of cancer. Pina test agad ni daddy ang DNA ko to check if nakuha ko ang bloodline of having a cancer, he was really relieved nung nalaman nyang safe ako from cancer. Hindi masyadong umuuwi si daddy dahil sa trabaho, sabi pa nya, gusto nyang lumago ang kumpanya dahil he promised mom na ito yung regalo nila para sa akin.
Honestly, I really don't need that company. Or maybe naiisip ko lang ito dahil bata pa lang naman ako. And all I really need and want right now is dad's time. I want to see him smile again. Yung smile na nakikita ko kapag naaalala nya yung moments nila ni mommy kapag nagpapakwento ako sa kanya tungkol sa kanila.
Hay naku, sinasabihan ko nga sya na mag-asawa na lang uli, ayaw nya naman. Wala na daw mas hihigit pa kay mommy. I know that, but i also know na kailangan nyang may makakasama sa pagtanda nya. Naisip ko nga na kung mag-aasawa man ako, papatirahin ko na lamang sa bahay namin si daddy.
"Miss Monteverde!"sigaw ni Mr. Reyes sabay hampas ng hawak nyang ruler sa mesa ko, homeroom teacher namin.
"Y-Yes sir?"
Nagtawanan naman bigla ang mga kaklase ko.
"Nagde-daydream ka na naman! Sagutin mo yung equation sa board!"
"Opo." *sigh*
Madali lang naman pala, substitution lang eh oh...
Nang matapos kong isolve yung problem, bumalik na agad ako sa upuan ko and Mr. Reyes glared at me.
Naghahanap talaga sya ng mali. Perfect naman lahat ng exams at quizzes ko sa kanya, nasasagot ko naman lahat ng questions nya, anong problema nya?
Lunch break na, at dahil hindi kami magkaklase ng bffs ko for the first time, nagkikita na lamang kami sa roof top.
"I heard nagka award ka na naman kay Mr. Reyes kanina?"tanong ni JM sa akin.
Si Julie May Dimente 'JM', maganda, mayaman, matalino, mas malamig pa sa yelo, takot sa kanya halos lahat ng students dito sa school at sya ang student council president namin. Since 1st year, kasama na sya sa student council.
"Hindi na naman siguro sya nakikinig, ikaw talaga Violet, hindi ka na nagbago. Bata pa lang tayo ganyan ka na, I really wonder kung bakit ka palaging top one na ganyan ka."sabi naman ni Gabby.
Si Gabrielle Mendoza 'Gabby', maganda, mayaman, matalino, very jolly, sporty girl, at ang all time varsity girl ng school namin. Mga bata pa lamang kami, halos lahat na ng sports ay sinasalihan nya, she's good at it.
Magkakaibigan na kami since kindergarten pa lamang kami dahil magkakaibigan ang mga parents namin, lalo na ang dads namin, magkakaibigan na din sila since highschool pa lang ang mga iyon.
"Madali lang naman kasi yung tinuturo nya, substitution lang naman. Naghahanap lang talaga yun ng dahilan para patalsikin ako sa pwesto ko as 1st place ng year natin."
BINABASA MO ANG
Married To A Merman(ON HOLD)
FantasyShe onces had a normal carefree life until she met a handsome prince charming.. And the crazy part is...... He is a merman. →started: August 2016← The persons and events in this story are fictitious. Any similarity to actual persons, living or dead...