Chapter 1 : Classmates

579 20 1
                                    

(A/N) Dedicated to my favorite books:
"The Four Bad Boys And Me" &
"Teen Clash"

Enjoy the story ♡

"Alam kong mahal mo siya! Alam ko na may feelings pa rin ikaw sakanya! Pero pano mo nagawa yun ah? Anong klase kang prince charming?"

Hay nako. Nakakainis din minsan ang wattpad noh? Nagmumukha kang ewan na kinakausap yung cellphone mo. Tapos minsan nakakainis lang din eh. Minsan napaka stupid nung mga bida ehh. Ang choosy pa, tapos nagapapaka hard to get. Hay jusme, pwede ba pag masaya, masaya lang, yung happy ever after na lang hay nako.

Ay ako nga pala si Isabelle Cassandra Alexine Diaz. Ako yung tipo ng babae na naghihintay ng Jeydon Lopez ng buhay ko or kahit man lang si Troy Mendoza , Charles Gonzales or si Marky Lim man lang.

Joke lang, mga tipo ko kasi good boy, mga bad boy sila ehh. Ang tagal naman nila dumating. Pero di naman ako ganun nagmamadali. Pati never pa ako nainlove, hanggang crush lang ako, kaso pag nagbabasa ako ng wattpad minsan gusto ko ding maranasan yang love love na yan eh.

Nag-aaral ako sa Sky University, isa sa mga kilalang school dito sa bansa.

Naofferan ako ng scholarship dito. Sa sobrang talino ko na-accelerate ako kaka 16 ko lang last June 9. Nasa senior high pa lang ako dapat grade 10 pa lang eh sobrang talino ko kaseHAHAAHHA.charot.

Merong isa ding new student dito sa Sky University, yan naman si Aleck Xander Wolfe. Bad Boy ng school na kahit sinong magandang babae papatulan, pero eto namang mga babae, mga tanga papatol din naman kahit alam na babaero yun.

Popular kid siya eh, gwapo na mayaman pa. Ewan ko na lang kung bakit gustong gusto siya nung mga babae dito. Grabe nga sila kala mo artista na siya. Maraming nagsasabi siya na pefect daw siya, eh baabero nga.

Magkabaliktaran kami eh, popular siya ako nobody. Wala akong kaisa-isang kaibigan dito. May kumakausap naman sakin pero may kailangan lang sila kaya nila ako kinakausap. Mabuti naman yun dahil masaya naman mag-isa eh. Nasanay naman ako mag-isa eh mga libro lang kasama ko maayos na ako. Kaya ko nang mabuhay nang walang kaibigan. Wala akong plano magkaroon ng kaibigan dahil wala naman akong mapapala don. Kahit cold ako tapos kahit loner ako, ayoko pa rin na magkaroong ng kaibigan dahil puro sila plastic.

Meron akong dream. Na magkaroon ng isang napakamagandang trabaho, para umunlad na buhay ko.

Nagstart na yung 2nd semester. Pumunta ako dun sa Anouncement Board kung nasan nakalagay yung mga sections, yung placement kasi yung name depende kung sino yung pinakamatalino.

Nahanap ko naman gad yung pangalan ko. Pero.....

1. Aleck Xander Wolfe

2. Isabelle Cassandra Alexine Diaz

What?!

Tangna! Bakit ako naging 2nd?! PATI YUNG ALECK XANDER NA YUN?! TINALO NA NGA AKO NAGING KAKLASE KO PA?! Ano yun?! ARGHHH! Panira ng araw naman to oh! Jusme!

Dumiretso na agad ako dun sa classroom ko. Nakakabanas! Di ako pwedeng magpatalo! Sa lahat na napasukan ko. Top 1 ako every sem at every year! Bakit ngayon hindi na! Ugghhh!! Ay alam ko na! Dahil yata sa sobrang pagbabasa ko ng wattpad!

Tama yun! Dahil nga ata dun. Pwes ititigil ko muna ang pagbabasa ng wattpad.

Umupo ako sa pinaka likod sa may gilid ng bintana. Kinuha ko yung libro ko sa History dahil dun ako nahihirapan at nagbasa na.

As usual ang iingay ng mga kakalase ko, kala mo may party na nagaganap.

Tumingin ako sa mga kalaban ko dito sa pag-aaral.

Ms. Dreamer And Mr. PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon