Pagbalik ko sa classroom wala pa siya , malamang busy pa sa panliligaw niya sakanya.
Dumerecho ako sa upuan ko at umupo agad ako at sumandal at pumikit , ginawa kong panaklob ng mukha ko ang mahaba kong buhok , trip na trip ko yung buhok ko lagi bat kaya, dahil siguro mabango yung shampoo na gamit ko , yiz naman
Nagbell na at eksaktong pumasok naman ang next teacher, magsisimula na ang klase pero wala pa yung magaling kong kaibigan, pagkapasok ni mam eksaktong pumasok yung hinahanap ko pa kanina pa , eh bat ko ba siya hinahanap , hinahanap ba niya ako? hayst drama nanaman si ako
Buti di siya napagalitan at dumerecho naman siya sa upuan niya na katabi ko lang, pagkapunta niya sa upuan niya ang laki ng ngiti niya abat nababaliw na ata tong lalaking to kahit alam ko na kung bakit siya ngumingiti ngiti na parang baliw ,pero ang ikinagulat ko nang niyakap niya ako , ano nangyare?
'pinyagan niya akong manligaw'
di ko alam ang gagawin ko , magiging masaya ba ako sa best friend ko kasi pinayagan siyang manligaw, o malulungkot ewan ko , bahala na si batman hasyt"Galing talaga ng best friend ko" I fake smiled at him , then he ended our hug , nakakabitin
'Syempre ako pa' yabang namanz
"Bat kaylangan pang yumakap? At talagang Dito talaga?"
'Bakit ba masaya ako eh , makinig kana nga lang' at di na ako pinansin , k dot
Nagsimula na si mam maglecture at maghanda daw dahil may quiz na ibibigay , at eto namang katabi ko sinikuan ako , alam ko na naman ang gustong sabihin nito dami kasing alam
Nagquiquiz na , at etong katabi ko siko ng siko sakin bigyan ko daw siya sagot , at ako namang si best friend go lang ng go , eh lagi naman naming ginagawa kapag hindi niya maintindihan yung lesson o di kaya di nagaral , napakahusay talaga , paano kaya to naging top 2? grabehan
Tapos na ang klase , inayos ko na yung bag ko at books na ilalagay sa locker , pagkalabas ko ng classroom may umakbay saakin , sino pa ba? Siya lang naman laging umaakbay sakin , feeling magaan yung braso eh tss
'Thank you kanina best friend sa mauulit hahahahaha'
"uso po magreview duh , paano ka kaya naging top 2 sa lagay nayan tsk"
'sikretong malufet na ako lang nakakaalam' mababatukan ko to ng wala sa oras , pigilan niyo ko
"bahala ka nga diya , mauna na ako maglolocker pa ako babush"
'wait--uhmmm baka di ako makasabay sayo mamaya pauwi alams mo na hehehehehe'
"Sige okay lang , mauna na ako bye" sabay iwan sakanya at derecho sa locker sungit Lang
'Sige ingat ka!' nakakainis yung hinayupak nayun bwiset , bat ko ba kinakausap yung sarili ko , hayst nababaliw na ko , baliw na baliw sakanya , charot :c
Habang naglalakad pauwi , magisa , nakakalungkot at nakakatakot kasi ngayon ko nalang naranasan ulit ang magisang maglakad dito papuntang bahay , nakakapanibago kasi wala akong makausap at makakulitan ngayon pauwi hasyt , delikado panaman dito kasi unti lang ang tao , nasanay na kasi akong laging may kasama , nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko , na laging kasama ang bestfriend ko
Bago umuwi kumain muna ako ulit sa ihawan , pero magisa nga lang akong kakakin , napansin nga rin ni ate na nagtitinda na magisa lang ako at unti lang ang binili ko , wala akong ganang kumain ngayon at wala sa mood , nakakapanibago lagi naman akong may ganang kumain anyare ngayon?
Wala tuloy nagpapasaya sakin kapag malungkot ako o kaya wala sa mood, wala tuloy akong kakulitan kapag bored ako , bwiset naman kasi ang hirap pala kapag wala ka best friend.
--------
Edited and Revised : 01/01/17

BINABASA MO ANG
Best Friend
Short StoryFriendship is the hardest thing in the world to explain. It's not something you learn in school. But if you haven't learned the meaning of friendship, you really haven't learned anything. Being my best friend, you are the shoulder I lean on, the pe...