Sunday na at may practice ulit kami ,
kaming dalawa lang ulitPero tinatamad akong bumangon kasi antok na antok pa ako , at minamagnet ako ng kama , bahala na siyang magpractice magisa dun , patulog na sana ako nang may nagsisigaw sa labas
'HOY BABAEEEEE GUMISING KANA DIYAN'
Takte sakit sa eardrums tong lalaking to eh kung sapakin ko to pagbaba ko? , di ko siya pinansin ako natulog nalang ulit , bahala talaga siya dun sarap na ng higa ko eh , papunta na ako ng dreamland ko eh tsk
Ilang sandali naman ay tumahimik , buti naman patulog na ako pero di natuloy ng may umaalog sa saakin potek nayan kaylan ba ako makakaranas ng kapayapaan?
(A:sa sementeryo dun may kapayapaan)Bastos na otor papatayin na agad ako di pa tapos yung kwento eh
(A:Di naman ako nakahubad paanong naging bastos yun?)Hay naku magsama na nga lang kayo ng kupal kong bestfriend nakakaluka kayo hayst , sakit niyo sa bangs
'guuuumiiiiisiiiiingggggg kaaaaa naaaaaaa diyaaaaan' oa much makaalog sakin ampupu
"Oo na oo na tsss , sobra kanaman mangalog matatanggal na ata yung utak ko sayo eh"
'ay meron ka pala nun? WAHAHAHAHHA---- ARAY NAMAN!' langya tong kupal na to kapal ng muks
"LUMAYAS KA DITO !!!" bago tumayo ginulo muna niya yung buhok ko at tinulak leche makikipagharutan pa
"BUMALIK KA DITOOO !!!" baliw lang self pinapalayas kanina tapos pababalikin okay ka lang?, mukhang hindi kasi kinakausap ko sarili ko hayst , paki dala naman na po ako sa mental joke lang
'GOOOOODDDMORNINGG RIN HAHAHAHAHAHA'nagawa pa niyang mangasar bwiset
Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para kumain , at bumungad sakin ang nakahandang pagkain , aba aba anong meron aber?
'Good Morning '
"Walang good sa morning"
may grabe siya oh pinaghanda ka na nga ng pagkain eh'
"Sus tampo kana niyan?"
'eh kapag sinabi kong oo?'
"Edi gawing mong hindi"
'naman eh!'
"What?" Inosente kong tanong sarap lang pagtripan lasang ewan dejk mamaya magalit sakin
Pagkatapos kong kumain at maglinis ng pinagkainan hinila agad ako nitong lokong to , tagal ko daw kasi kumain oh edi ako na matagal
Pumunta na kami as school kung saan kami nagprapractice , magdamag kami ngayon dahil last day na ng practice naming dalawa dapat maayos na namin yung sayaw , pagkapasok namin sa room ang lamig potek nayan papatayin ata ako dito sa lamig eh , tama ata yung hinala ko kanina na baka tuluyan na ako ni otor sa storyang to pero di pwede , di talaga pwede
"Bat ang lamig dito"
'kasi di mainit' at nakatanggap naman siya ng isang batok sakin langyang lalaki to , gandang sagot ibinigay sakin bastus
Nakakalahati na kami sa kanta at mabubuo nanamin yung sayaw , isang hip hop ang sasayawin naming dalawa (dance video attached)
Pagkatapos na pagkatapos naming mabuo ang sayaw bigla siyang nagsabi na may isa pang music na idadagdag , abat papatayin na talaga ako neto sa pagod eh , torture na to , have mercy
"Hala pagod na kooooo"
'syempre rest muna tapos practice na ulit '
"Ehhhh bat ang dami ?"
'basta sige na pleaseeeeeee'
Tumango nalang ako pagod na pagod na ako grabe naman kasi tong lalaking to kung sumayaw halimaw at hyper , edi siya na di pagod piste
Niyaya ko agad siyang kumain sa canteen , at syempre siya magbabayad ng pagkain , aba pinagod niya ako dapat siya magbayad ng pagkain
Pagkatapos namin kumain bumalik na agad kami para magpractice nang isa pang sayaw , langya naman kasi tong lalaking to , walang kapagod pagod
Nagulat ako nung tinuro niya sakin yung mga steps , medyo ekwerd yeng ebe eh , sorna po naging pabebe , nakailang ulit kami kasi pagod na ako kaya minsan nagkakamali ako , pero natapos naman namin ng maayos
Habang nagpapahinga , may gumugulo sa aakin , yun ang itanong ko sakanya kung sila na ba o wala
Kanina payan habang nagprapractice , buti nga di niya napapansin , itatanong ko na ba? O wag muna baka lalo lang akong masaktan sa mga magiging resulta
'napakalalim naman ng iniisip mo , di ko na mahukay bes' at dahil isa akong mabait na kaibigan isang hampas lang naman sakin ang abot niya , takte kasi ganda na ng senti ko eh
'nakakadami kana ha'
"Saya kaya"
'saya ka diyan eh kung gawin ko--'
"Sige lang at malalagot ka saakin"
'patapusin mo muna kasi ako , sabi ko kung gawin ko rin kaya sa sarili ko yun hehehehe'
"Abnormal"
'wushuu mahal mo naman ' oo mahal na ata kita , mahal na kita higit pa sa pagkakaibigan natin
"Weh mahal daw? Psh walang ganon"
'asuuuusss nagpapalambing si pwet pahug ngaaaa wiiiiii' at inipit naman niya ako sa kanyang mga bisig , sana ganito nalang tayo habang buhay , pero hanggang sana nalang ata ako
Kumalas siya sa pagkayakap niya saakin ng may marinig siya , kami ng sigaw sa may pintuan , panira ng araw tss pero
'BABEEEEE!'
Ang galing talaga ng tadhana , sinasagot agad niya ang mga katanungan ko , at ang galing rin niyang saktan at wasakin ang puso ko , napakahusay
---------
Edited and Revised : 01/21/17

BINABASA MO ANG
Best Friend
Short StoryFriendship is the hardest thing in the world to explain. It's not something you learn in school. But if you haven't learned the meaning of friendship, you really haven't learned anything. Being my best friend, you are the shoulder I lean on, the pe...