oww shiitt !! antanga tanga ko ! bakit ? bakit sa harap niya pa ako bumahing .
hahahatchuuu !! may bumara pa na kanin sa ilong ko anu bayan ! nakaka inis ! sira ang pangarap kong maka sama si Symon .
" look kung sinong looser ang nakikita ko !" sigaw ng isang babae na nakakatawag pansin sa ibang estudyante. --- carol
lumapit sa akin si carol at hinila niya ako patayo.
" ano ba ! nasasaktan ako ! bitiwan mo nga ako !" sabay alis sa kamay niya na naka hawak sa kwelyo ng uniform ko.
" talagang masasaktan ka ! im warn you STAY AWAY to Clark kung ayaw mong matikman galit ko !!"
" alam mo wala kang karapatan pag bawalan ako layuan si Clark sino kaba sa tingin mo ? ako ang girlfriend nya so wala kang paki kong ano man ang gawin ko !" pasigaw kong sabi . hindi naman ako papayag na mag paapi noh ! tama na yong dati na nilalaet nila ako.
" ah ganon ? matapang kana ?! sabihin mo nga sakin anong nagustuhan niya sayo ha ? trying hard ka lang naman diba natuto ka lang mag ayos pero ugly duckling ka pa din !"
nakita ko ang mga ibang estudyante nag tatawanan . mga estudyanteng toh imbis na may umawat samin ii tuwang tuwa pa.
" alam mo Carol nakaka awa ka ! ou panget ako pero hindi naman ako desperada na katulad mo mapansin lang ni Clark pumatol kapa sa kaibigan niya ! di mo ba alam na sinisira mo yong pag kakaibigan nila sa mga kasunangalingan mo !!"
nag hihiyawan at nag sisigawan na ang ibang estudyante.
Sinungaling ka pala Carol ii !
wala ka pala kay Cindy ii !
pustahan tayo pag nag sabunutan yan kay Cindy ako !
Carol ako !
carol ! carol ! cindy ! cindy !
" all of you shutt up !! baka gusto niyong sumama dito ?" pag tataray ni Carol.
hindi ako naka ilag sa biglang pag sampal sakin ni carol.
kaliwa't kanan malulutong na sampal. sa totoo lang hindi ako sanay na maki pag away o may kaaway kanina pa ako kinakabahan sa pangatlong sampal niya napaiyak na ako, sobrang sakit feeling ko namamanhid na yong pisngi ko, sa pang apat na sampal ni Carol nakita kong hinawakan ni Clark ang braso ni Carol.
" subukan mong ulitin pa tong ginawa mo kay Cindy kakalimutan kong babae ka !"
mukha naman nasindak si Carol pero ayaw parin paawat nag banta pa siya bago umalis
" may araw ka rin sakin babae ka ! " pag katapos nun ay umalis na siya.
" patingin nga ng mukha mo ? nakita kong napailing si Clark.
halika sumama ka pupunta tayong clinic."
inakay niya ko papuntantang clinic.
agad naman kami inasikaso ng nurse na naka incharge .
biglang nag salita si Clark
" masakit ba ?" kita sa mukha ni clark ang pag aalala.
" diba halata ? tingnan mo nga namamaga yung pisngi ko ! "
" kiss ko na lang ." sabay nguso at lapit sa mukha ko.
parang kinakabahan ako na kinikilig na parang gusto ko din na ikiss niya ako . ay nu ba tong iniisip ko. !
" tigilan mo nga ko sa kalokohan mo !" sabay layo sa mukha niya.
" kiss na nga kita ! ayaw pa ? dame nag kakandarapa para mahalikan lang ako tapos ikaw libre choosy kapa " sabay ngiti ng pang aasar.
" ows talaga ? kaya pala kanina sa gym gumagawa kayo ng milagro ni Carol !!"
Anlakas ng tawa ni Clark ng narinig niya sinabe ko.
" selos ka noh ? honey IKAW LANG MAHAL KO ! sabay tawa niya ng malakas.
dun kay Carol wala kami ginawa siya ang lumalapit sakin at nag papakita ng motibo ."
biglang humarap si Clark at nag smack ng kiss sa lips ko.
" bat mo ko hinalik–
" mag jowa kayo ? sweet niyo naman " nangingiti pa ang nurse halatang kinikilig , pero mas kinikilig siya kay Clark.
" ahh opu mam , " Clark.
" swerte mo naman iha sa kanya gwapo ng boy friend mo" nakangiting sabe ng nurse.
" swerte niya talaga mam andaming dame nag hahabol sakin tapus sa kanya pa ko napunta , ginayuma ata niya ko mam"
" hoy kapal mo ! " sabay hampas sa braso niya.
" sige na sige na tama na yang pag lalambingan niyo pede na kayo umuwe , uwian na"
" sige po mam salamat po " ako.
" basta wag mong kalimutan mamaya bago ka matulog lagyan mo ng yelo ang pisngi mo para mabawasan ang pamamaga " yong nurse .
" opu mam ako ang mag reremind sa kanya mam , i take care of her" sabay ngiti.
lumabas na kami sa clinic at hinatid ako ni clark sa amin .
" oo nga pala honey wala pala ko number mo " sabay kuha ng cellphone ni clark sa bulsa niya.
" kanina ka pa ha ! tawag ka ng tawag na honey !" sabay hampas sa kanya.
" ikaw kanina kapa hampas ng hampas sakin isa pang hampas baka gusto mong halikan na kita dyan !"
agad naman ako nanahimik, baka totohanin ni clark na halikan niya ko. pero sana ! napangiti ako ng di namamalayan.
" ohh nangingiti ka dyan ? gusto mo din no !"
lakas mang asar ng lalaking toh ! ganyan pala ugali niya ha !
" joke lang hindi naman ako manyakis , amina nga cellphone number mo." clark.
binigay ko sa kanya ang number ko , sakto naman nasa tapat na kame ng bahay .
" bye alis na ko honey wag mo kalimutan yong yelo ha ? "
" honey ka dyan ! sige na babay tsaka salamat ."
" may bayad kaya yon ! hindi libre yon . biglang nag smack ulit ng kiss si Clark sa lips ko. oh ayan bayad na alis nako." sabay takbo niya paalis.
lokong lalaking toh ! nakakadami na sakin .
papasok na ako sa bahay namin pag kabukas ko agad sa pintuan lungkot agad ang sumalubong sakin walang pag babago ganon pa din kung ano ang iniwan mo ganon pa din ang babalikan ni walang bakas ng tao na gumalaw sa mga gamit . umakyat na ako sa kwarto ko at nag sulat sa diary ko lahat lahat ng nang yare kanina isinulat ko. pati yong nararamdaman kong sakit at pangungulila ngayon.
eversince simula ng pag kabata ko wala akong naramdaman na pag mamahal kompletong pamilya , may mga kapatid nga ako pero may kanya kanyang mundo walang nag turo sakin kum pano maki salimuha sa ibang tao , aloof ako simula ng pag kabata palagi ko lang kasama manika ko . kaya tingin sakin ng ibang kamag aral ko weird hindi ako nakiki pag laro sa kanila hindi ako sumasama , looner ako ...
namalayan ko na lang tumutulo ang mga luha ko , agad kong pinunasan at humiga sa kama ko.