Chapter 176

567 12 1
                                    

"AKO YUNG BABAENG...."

❌ Hindi kagandahan. Hindi kasexy-han. Hindi matangkad. Hindi mayaman. Hindi maporma. Hindi pala labas ng bahay. ❌
▶️ ✔️ Oo, ako lahat ng yan. Yung mahihiya kang ipagmalaki sa lahat. Kasi walang mapagmamalaki sa sarili. Yung suklay at pulbos lang ayos na sakin kapag lalabas ng bahay. Yung hindi nagsusuot ng magarbong mga damit pag lalabas ng bahay. Pag-gagala. Pag may magandang pupuntahan. Ayos na kasi sakin kung san ako kumportable. Hindi naman kasi ako ginawa para sa kagustuhan ng iba.

❌ Wala masyadong kaibigan. Boring ang buhay. Social media lang kumpleto na yung araw. Hindi maarte sa kaibigan. Nakikipag-tropa ng kalalakihan. ❌
▶️✔️ Oo. Ako lahat ng yan. Hindi ko kasi kelangan mamili ng taong in pakikisamahan. Mayaman o mahirap? Walang kaso sakin yun. Basta totoo sakin. Basta kaya akong maintindihan. Kaya akong tanggapin lahat ng kaweirdohan ko sa buhay. Yung hindi ako huhusgahan. ☺️

❌ Street foods lang ayos na. Walang pambili ng mga mamahaling luho. ❌
▶️✔️ Oo, ako din yang mga yan. Sanay kasi ako sa mga bagay na kinamulatan ko. Di ako namimili ng pagkain. Basta malinis. Happiness ko ang kumain. Kaya lahit di mamahalin. Kayang kaya kong lamunin. ❤️

❌ Topak. Maldita. Bipolar. Baliw. Abnormal. Masayahin. ❌
▶️✔️ Oo, ako din ang mga yan. Likas na sakin ang pagiging abnormal. Masaya ako ngayon. Mamaya malungkot na. Lalambingin kita ngayon. Mamaya inaaway na naman kita. Aminin mo man o hindi? Mahirap intindihin yung mga ganitong babae. Pero ako? Pag nakilala mo talaga. Normal nalang satin ang pagiging abnormal ko. Di ako sweet pero kaya kitang pasayahin sa mga paraan na alam ko. ❤️

❌ Pag nagmahal. Ikaw lang talaga. Pag nagalit, magagalit lang pero di ka hihiwalayan. Pag nainis. Lambingin mo lang okay na. Di manloloko. Di mang-iiwan. Di kita kayang paiyak. Mamahalin ka lang hangga't kaya ng puso nya. ❌
▶️✔️ Oo. Ako din tong mga to. Di ko ugali g manakit. Mang-iwan. Manloko. Manggamit. Mang-gago. Ako yung taong mabilis ma-fall. Pero pag ako tinamaan sayo. Pag sinabi kong mahal kita. Mahal talaga kita. Lagi kong papatunayan sayo. Kung gano ka kahalaga sakin. Kung ganito kita kamahal. Mag-aaway tayo. Pero di rason yun para iwanan kita. Maiinis ako. Pero di rason yun para mawalan ako ng gana.

✔️ Mamahalin kita hangga't kaya ko. Buong buo. Totoo at tapat na pagmamahal ang ibibigay ko sayo. Yung pagmamahal na magpapatunay sayo. Na.

KAHIT GANITO LANG AKO. Kaahit hindi ako perpekto. Kahit hindi ako pinapangarap mo o kahit na sino.
HANDA KITANG INGATAN. ALAGAAN. IPAGMALAKI AT IPAGLABAN. Araw araw kong ipaparamdam sayo yan. Kahit nasaktan man nila ako. O iniwan nila ako g mag-isa. Hindi ko ipararanas sayo. Ang sakit na naging lakas ko para mahalin ka! ❤️

Hugot 1Where stories live. Discover now